_ngayon
^
Gen. Eleazar, may oras sa ordinaryong mamamayan
Gen, Eleazar
STAR/ File

Gen. Eleazar, may oras sa ordinaryong mamamayan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

Talagang kinilig ako nang sumagot sa text ko si Gen. Guillermo Eleazar. Sign talaga ng pagiging gentleman at good government official ‘yung kahit sino ka pa, basta nakipag-communicate, kahit papaano dapat sinasagot.

Hindi ko akalaing sasagutin niya ‘yung pagbati ko sa appointment niya as PNP Chief, pero binigyan niya ng importansiya at sinagot ang text ng isang ordinaryong mamamayan.

Bongga ‘di ba, dapat talaga ganito ang public officials natin, kahit busy, one text puwede nilang isingit.

Talagang saludo na ako sa pagiging military man ni Gen. Eleazar, bongga siya talaga, hitsura ni Richard Gere.

Mas bongga si Gen. Eleazar. Fan n’yo forever, promise. Job very well done, ngayon pa lang sure na ako.

Emotional impact sa pandemya, grabe rin

Talagang miss na miss na tayo ni Cris Roque ng Kamiseta apparel and skin clinic, Salve.

Talagang request niya na magkita-kita tayo kahit sandali next week para sa chikahan with Pat-P and Gorgy.

Siguro talagang masyado na siyang nainip sa loob ng bahay na ‘di lumalabas at via Zoom lang ang pagwo-work.

Sana nga magkaroon tayo ng chance na mag-lunch next week to catch up. Parang ang dami-daming mga pangyayari na naganap na hanggang ngayon hindi pa rin natin makuha ang sagot sa mga ‘why?’ sa utak natin.

Siguro nga kailangan natin ang konting breather para man lang maibsan ‘yung bigat na napi-feel natin.

Talagang ‘yung pandemic, hindi lang financially, nagkaroon din ng malaking emotional impact sa atin.

Naku, talagang kailangan na natin ang konting fresh air para maitaboy ang mga toxic sa paligid.

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with