_ngayon
^
Vice, maraming natutunan!
Vice
STAR/ File

Vice, maraming natutunan!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

Malaki ang na­ging epekto ng pagkakaroon ng pandemya sa kinikita ni Vice Ganda. Nagpapasalamat naman ang komedyante dahil kahit na patuloy pa rin ang banta ng COVID-19 ay mayroon pa ring trabaho sa ABS-CBN. “’Yung sa franchise, wala namang effect sa akin financially. Kasi may programa pa rin naman ako. Araw-araw kumikita pa din naman ako. In fact may bago pa naman nga akong prog­rama, dalawa na naman ‘yung magiging programa ko.

“Ang naka-affect sa akin nang malala financially hindi ‘yung kawalan ng franchise kundi ‘yung pandemic mismo. Kasi hindi nga ako makapag-concert tour eh. Ang laki nang binibigay sa akin ng concert tour. Tapos ‘yung raket sa labas, ‘yung mga fiesta-fiesta na ini-enjoy ko. ‘Yung mga corporate shows, pelikula ‘yon ang mga nawala sa akin. So malaki-laki din ‘yon,” pagtatapat ni Vice.

Kahit malaki ang nabawas sa kinikita ng Unkabogable Pheno­menal Box-Office Superstar ay marami namang natutunan sa buhay dahil sa kasalukuyang sitwasyon natin. “From every bad experience magiging beautiful siya kung magkakaroon ng magandang learning and if that bad experience can bring strength within you. ‘Yon ‘yung magiging beauty no’n. Kasi minsan ‘di ba ‘pag walang masakit na nangyayari parang tini-take for granted natin ‘yung ibang valuable things eh. Pero ‘pag nagkaroon ka ng threat na baka mawala sa ‘yo ‘yung mga bagay at mga taong ito. Do’n mo malalaman na, ‘Ay! Ang valuable pala nito.’” makahulugang pahayag ng komedyante.

Ara, sinuwerte sa Probinsyano

Kahapon ay nagdiwang ng kanyang ika-42 taong kaarawan si Ara Mina. Sa ngayon ay wala na raw ibang mahihiling pa ang aktres kundi ang kaligtasan ng lahat dahil sa kinakaharap nating pandemya. “Honestly, parang wala na akong maisip na birthday wish except siyempre sa good health dapat at magtuluy-tuloy lang sana ang magandang takbo ng business at career ko. Kasi parang halos lahat binigay na sa akin ni Lord eh. Ang kapal naman ng mukha ko kung maghahangad pa ako ng kung anu-ano. Basta sana stable lang lahat kasi okay na okay na ako. May trabaho kahit pandemic, okay ‘yung negosyo ko. Tapos masaya rin ang personal life ko. Thankful and grateful ako sa lahat ng mga nangyayari,” pagbabahagi ni Ara.

Malaki ang pasasalamat ng aktres dahil sa pagkakapasok ng kanyang karakter sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano mahigit isang taon na ang nakalilipas. Mula noon ay naging masuwerte na raw si Ara sa lahat ng bagay. “Pumasok ako sa show December 2019, nabigyan ako ng trabaho ng ABS-CBN. Since then, tuluy-tuloy na ‘yung magagandang bagay na nangyari sa buhay ko. Nagkaroon ako ng pelikula, ‘yung Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar na magkakaroon na ng part two. Tapos may gagawin din akong pelikula ngayon with Alex Gonzaga. Sa business side okay naman, nakapagbukas pa ako ng isang branch ng Hazelberry sa Cabanatuan nitong April. Nasa Ang Probinsyano rin ako nang biglang mag-propose si Dave (Almarinez, fiancé ng aktres) at yayain ako ng kasal. So feeling ko suwerte sa akin ang show,” pagdedetalye ng aktres.

Kahit mag-aasawa na ay hinding-hindi raw tatalikuran ni Ara ang paggawa ng teleserye. “Oo naman, as long as nando’n pa siyempre ‘yung character ko. ‘Yung passion ko sa pag-arte mahal na mahal ko ‘yon. Actually parang hindi nga siya trabaho sa akin kasi nag-e-enjoy akong gawin,” pagtatapos ni Ara.

(Reports from JCC)

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with