_ngayon
^
Gloc 9, hindi malimutan ang mga ginawa ng nanay para makaraos sa buhay
Gloc 9
STAR/ File

Gloc 9, hindi malimutan ang mga ginawa ng nanay para makaraos sa buhay

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

Speaking of Mother’s Day, hindi naman nalimutan ng iconic Filipino rapper na si Gloc-9, na Aristotle Pollisco sa tunay na buhay, ang kahirapan nila noong siya ay lumalaki sa Binangonan, Rizal, na inilantad niya sa kanyang vlog bilang tribute sa kanyang mommy Blesilda.

Hindi nila kasama ang ama noon na isang OFW sa Saudi Arabia bilang isang mekaniko na hindi raw sapat ang pinadadala nito sa kanilang magkakapatid  - 4 sila - kaya nagsisikap ang nanay niyang magkaroon ng extra na kita.

“Nagtayo si Nanay ng sari-sari store. Dahil kahit nasa abroad si Tatay, sapat lang ang kinikita niya para sa pangangailangan namin kada buwan,” kuwento niya.

At pag talagang kinakapos daw sila, nakatatak pa sa isip niyang nagsasanla at nagbebenta ang kanyang ina ng mga iniingatan nitong mga alahas para sa pangangailangan nilang magkakapatid.

“Minsan may panahon na nag-iiba ang mga gastusin, kaya makikita mo ‘yan si Nanay, pumipili sa mga alahas niya para isangla,” pag-alala pa ni Gloc 9.

Dagdag pa ng sikat na rapper na nakita niya ang pagsisikap ng kanyang ina para kumita ng dagdag na pera bukod sa pag-aalaga nga sa kanila.

At ngayon dama niya ang mga katangiang ito sa kanyang misis na si Thea. “Ang aking maybahay na si Thea at si Nanay ay magkatulad ng ugali. Palagi nilang inuuna ang kapakanan ng kanilang mga anak. Di bale nang mawalan sila, basta meron ang mga bata.”

Sumikat sa kanyang blunt and abrasive lyrics na mga kanta, makikita rin sa kanyang vlog na malaki ang nagawa ng ina para pumatok ang mga kanta nito at  maging isang best-selling artists of the Philippine’s contemporary music scene.

Ngayon ay kinikilala ni Gloc 9 na ang pagiging resourceful ng kanyang ina ay natulungan ng Cebuana Lhuillier na magtiwala sa tuwing may pinagdaraanan at kailangan silang pera.

At sa Cebuana rin nagpapadala ng pera ang kanyang amang OFW. “I’m happy that Cebuana has given me the opportunity to thank them—and more importantly, my mom,” the rapper says. “As a company, Cebuana embodies the spirit of diskarte and pagbangon that my mother raised us with,” sabi niya na makikitang pino-promote ang 24K Reward program nito kung saan puwedeng mag-earn ng points ang costumers sa tuwing meron silang transactions dito.

GLOC-9
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with