_ngayon
^
Janine nadadalian sa relasyon nila ni Rayver!
Janine at Rayver
STAR/ File

Janine nadadalian sa relasyon nila ni Rayver!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

Ayon sa aktres ay masaya talaga ang kanilang relasyon ng kasintahan. “Masaya, tsaka madali lang. palaging sinasabi ng nanay ko na dapat gano’n daw ‘yung hanapin mo, ‘yung parang madali lang. Tapos, hindi ko maintindihan, ano bang ibig sabihin no’n? Kasi di ba, ‘pag mas bata ka akala mo ‘yung mga drama ‘yon ‘yung mga ganyan. Ibig sabihin okay ‘yang mga ganyan. Pero no’ng nakilala ko si Rayver, sabi ko, ‘Ah, ito pala ‘yung sinasabi ng mommy ko,” nakangiting kwento ni Janine.

Hindi raw inakala ng aktres noon na magiging nobyo si Rayver dahil hindi pa siya nakahandang makipagrelasyong muli nang makilala ang binata.

Matatandaang si Elmo Magalona ang huling naging kasintahan ng aktres bago nakilala si Rayver. “Hindi ako nag-adjust. Lahat ng kabaliwan ko ipinakita ko. Hindi ako nag-effort nagpaganda, mga ganyan. Pinakita ko sa kanya kung ano talaga ako, nang buong-buo, at ngayon masasabi ko na tanggap niya ko nang buong-buo,” pagbabahagi ng dalaga.

Malaki ang pasasalamat ni Janine kay Rayver dahil sa pagiging mapagmahal at maunawain ng aktor. “Kayang-kaya niya lahat ng araw ko kung isang araw malungkot ako or marami akong iniisip. ‘Yung alam na alam niya kung paano ako kausapin. Tsaka ramdam ko na wala akong kailangan itago o baguhin tungkol sa sarili ko. Sobrang ­generous niya at mabait lalo na sa pamilya,” paglalahad pa ng aktres.

Jake, marami pang gustong gawin

Naugnay noon si Jake Ejercito kay Bea Alonzo. Ayon naman sa aktor ay minsan lamang silang nagkita ng dalaga at wala talagang namagitan sa kanila. “’Yung kay Bea ­actually, I just attended her birthday party as a plus one lang actually and do’n ko lang na-meet si Bea. Ako kasi super fan ako ng One More Chance, Bea-John Lloyd (Cruz), super fan talaga ako. So when I met Bea parang na-capture yata siya and I posted on my Instagram pero ‘yon lang po ‘yon. Nothing else,” paglilinaw ni Jake.

Magbibida ngayon ang aktor sa seryeng Marry Me, Marry You kasama sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Kung papipiliin ay mas gusto ni Jake na wala siyang ­maging permanenteng katambal. “I just want to work with anyone that I would learn the craft of acting from. As of now I just want to focus on acting and take it really seriously. But if you ask me long-term, naiisip ko pa rin once in a while why not produce shows in the future. But as of now my focus is on acting talaga and probably hosting kung mabibigyan ng opportunity ulit,” giit ng aktor.

Kahit sa ibang bansa nanirahan si Jake nang matagal na panahon ay palagi rin siyang nakakapanood ng mga pelikula ng Star Cinema. Nangangarap ang aktor na makatrabaho ang ilan pang tinitingala sa industriya. “There’s a lot to mention kasi kapag sinabi mong ABS-CBN, iba ‘yung roster of talents. ­Growing up nandiyan sina John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Piolo Pascual, Coco Martin, they are the ones  that I look up to,” pagtatapos niya.  (Reports from JCC)

RAYVER CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with