Bea, jackpot sa farm

Bea
STAR/ File

Grabe ang lawak ng farm ni Bea Alonzo sa Zambales – 16 hectares!

Ipinasilip ni Bea ang biniling organize farm na pinangalanan niyang Beati Firm sa kanyang recent vlog.

Taong 2011 nang ma-acquire ang lupa sa aktres na si Isabel Rivas na may sarili ring farm na ang pangalan ay Paradise Farm.

Ayon kay Bea, atubili siya nu’ng una na magtayo ng farm dahil sa demands na kailangan dito at mga tao. Sa tulong ng ilang kaibigan at mommy niyang si Mary Anne Ranollo, naitayo ito’t marami nang tanim gaya ng mahogany trees, mangga at iba pa.

May farm animals gaya ng livestock at poultry, huh!

Taga-Zambales ang mga taong tumutulong sa farm nila kung saan at doon nakatira ang ina, stepdad, kuya at pamilya nito.

Isang weekend house ang itinayo ni Bea at bawat kuwarto ay ipinangalan niya sa ina, pamangking lalaki at famous movie character niyang Basha.

Kahanga-hanga ang  ginawang investment ni Bea, huh! Ganyan dapat ang isang artista!

Mother Lily simbolo ng Mother’s day

HAPPY Mother’s Day to all ­mothers na readers ng PSN at PM!

Si Mother Lily Monteverde ang isa sa naaalala namin tuwing Mother’s Day.

Mula nang maging film producer, halos walang palya si Mother sa paggawa ng movie na tribute niya para sa mga ina sa okasyong ito.

Lumalabas din ang creativity ni Mother bilang content creator ng Mother’s Day offering ng Regal Entertainment.

Kahit hirap pa rin ang local film industry dahil sa pandemic, hindi pa rin mawawala ang pagbigay ng tribute ni Mother sa mga ina!

Happy, Mother’s Day, Mother and to all your daughters and in laws!

Show comments