Male tv personality, nakakulong dahil sa malaking utang

May latest kaming nasagap tungkol sa asawa ng isang kilalang male TV personality na nakakulong na raw ngayon.

Sinubukan naming kumpirmahin ang balitang ito sa ilang taong malapit kay male TV personality, pero hindi naman daw nila alam.

Ayaw raw magsalita ni male TV personality dahil ayaw na ayaw naman niyang pag-usapan ang personal niyang isyu. Matagal na kasing hiwalay si male TV ­personality sa asawa niyang iyun at sa pagkakaalam ko ay meron na rin silang kanya-kanyang partner.

Pero matagal na raw may isyu sa pera itong dating asawa at maaring nakahanap ng katapat na siyang nagpakulong sa kanya.

Hindi lang namin maibigay ang buong detalye ng mga pangyayari dahil walang nagkumpirma sa mga napagtanungan namin.

Basta nakakulong na raw dahil sa kaso na may kinalaman sa napakalaking halaga ng pera. Hindi na rin naman daw isyu ito ni male TV ­personality, pero ang concern lang daw niya ay ang mga anak na malamang apektado sa pangyayari.

Judy Ann, mas gusto ng fans sa role ni Jodi

Kawawa naman si Jodi Sta. Maria na nakakatikim ng ­bashing pagkatapos in-announce na siya na ang gaganap sa Pinoy adaptation ng Doctor Foster. The Broken Marriage Vow na ang title ng bersyon dito sa atin at makakasama ni Jodi sina Zanjoe Marudo, Sue Ramirez at si Zaijian Jaranilla na lalong pumopogi.

Nag-trending ang #Juday dahil ang gusto ng fans ni Judy Ann Santos ay siya ang gumanap na Doctor Foster na ginawa nang Dra. Jill Ilustre sa Pinoy adaptation. Pero tinanggihan naman ito ni Judy Ann dahil takot pa siyang sumalang sa lock-in taping.

Napunta ito kay Jodi na bagay naman, pero makulit pa rin ang ilang fans at pinipilit na ibigay kay Judy Ann.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, original na inalok nga ay si Judy Ann at si Zanjoe pa rin ang leading man. Pero ang gaganap daw dapat na other woman ay si Nadine Lustre.

Ang lakas sana ng dating kung Judy Ann, Zanjoe at Nadine.

Napunta naman kay Sue ang role bilang si Lexy Lucero. Medyo nakukulangan ang ilan.

Una itong inalok kay Lovi Poe na nasa Amerika pa at pinag-iisipan kung mananatili sa GMA 7. Since , na-announce na ang buong cast nitong bagong teleserye ng Kapamilya, mukhang hindi na nga tuloy si Lovi sa Kapamilya channel.

SB19, nasa aos mommy day party sa All-Out Sundays ngayon.

May inihandang special number para sa kanila sina Christian Bautista at Mark Bautista.

Hahataw rin ang mga dancing Mommy na sina Rochelle Pangilinasn at Izzy Tarazona sa all-out Cypher showdown kasama sina Rayver Cruz, Miguel Tanfelix, DJ Loonyo at Mannex Manhattan.

Pero ang isa pang kaabang-abang sa AOS ngayong araw ay ang bigating performance ng Billboard Music Awards 2021 nominee na SB19 sa kanilang latest single na What?

Siyempre, tuloy pa rin ang paghahanap ng perfect match sa comedy segment nitong Love Doctors tampok sina Paolo Contis, Rhian Ramos, Denise Barbacena, Kristoffer Martin, Betong Sumaya, Jennie Gabriel at Tuesday Vargas.

Show comments