Mag-asawang showbiz na matagal nang hiwalay, walang okrayan sa social media

Totoong-totoo na ang mga personalidad ang nagmamando ng katahimikan at kaguluhan ng kanilang personal na buhay. Kung walang magbubukas ng pintuan ay walang makapapasok.

Kapag ibinabahagi na ng artista ang pribadong aspeto ng kanyang buhay ay asahan nang maraming manghihimasok. Marami nang makikisawsaw. ‘Yun na ang simula ng kaguluhan ng kanyang buhay na personal.

Kuwento ng aming source, “Galit na galit ang ibang artista kapag nakakatanggap sila ng mga negative comments sa social media. Ang tanong, sino ba kasi ang nagbukas ng pintuan para sila pakialaman ng mga netizens at bashers?

“May alam ba sila sa mga nangyayari? Nalaman na lang nila ‘yun nu’ng ipaglantaran na nila ang kuwento ng buhay nila! Kaya wala silang karapatang magalit, binuksan nila ang daan para sila panghimasukan!” madiing umpisa ng aming source.

Maraming pumupuri sa isang kilalang showbiz couple na matagal nang literal na hiwalay pero hindi binubulabog ng publiko. Nagbinata at nagdalaga na ang kanilang mga anak pero hindi sila ­pinagpipistahan.

Patuloy ng aming impormante, “Bakit ang mag-asawang ____at ____(pangalan ng nagkahiwalay na mag-asawang artista), wala naman tayong nababasang kahit anong negative issue about them?

“Matagal na silang hiwalay, naka-condo na ang male personality at ang wife at mga anak nila ang naiwan sa kanilang bahay, pero bakit wala namang nambubusisi sa hiwalayan nila?

“Pareho silang kilalang-kilala, pareho rin silang galing sa pamilya ng mga artista, pero bakit tahimik ang personal nilang buhay? Bakit parang normal lang ang lahat sa kanila?

“Kasi nga, walang kahit sino sa kanila na nagsasalita. Mga piling-piling kaibigan lang nila ang nakakaalam na tapos na ang lahat sa kanila, saka ang kanilang mga pamilya.

“Hindi nila ‘yun ipinagmamakaingay sa social media, hindi nila itinitinda ang kuwento ng buhay nila sa publiko! O, di napakaganda pa rin ng sitwasyon nila?

“Pareho pa rin silang active sa pag-arte, kilalang-kilala silang pareho, pero napakatahimik ng buhay nila. Kailangang kumuha ng seminar sa kanila ang mga artistang wala nang itinatago tungkol sa buhay nila!

“Nagagalit pa sila kapag nanghihimasok ang ibang tao, e, sila naman ang promotor kung bakit sila ginugulo! Magtigil nga sila!

“Gayahin nila ang mag-asawang ito na matagal nang hiwalay, pero hindi sila pinaglalaruan, matindi ang respeto nila sa isa’t isa!” napakadiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Tribute ni Willie sa mga kaibigang pumanaw, iniyakan ng manonood

Minsan pang pinaluha ni Willie Revillame ang kanyang mga tagapanood nang bigyan niya ng pagpapahalaga ang mga personalidad na pumanaw na.

Nitong mga huling linggo ay nagkasunud-sunod ang pagkawala ng mga personalidad na naging importanteng bahagi ng mga programa ni Willie.

Kasama sa mga binigyan niya ng tribute sina Rico J. Puno, April “Boy” Regino, Claire dela Fuente at ang mga stand-up comedian na naging co-host niya na sina Kim Idol at Le Chaz.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng tulong sa kanya ng kasamahan ­naming manunulat na si Kuya Ricky Lo na ikinagulat ng buong showbiz ang pagpanaw, palagi silang magkausap ni Willie sa telepono, ibinaon ni Kuya Ricky ang malasakit at pagmamahal sa kanya ni Willie.

Nakakapanindig ng balahibo ang pag-akay niya kay April Boy Regino habang papunta sa entablado. Bulag na nu’ng mga panahong ‘yun ang Jukebox Idol. Isa si Willie sa mga nagpaopera sa mga mata ni April Boy.

Sabi niya, “Tandang-tanda ko pa ang sinabi sa akin ni April Boy sa backstage, ‘Sir Willie, hawakan n’yo po akong mabuti para hindi ako madapa. Pakisabi po sa akin kung may baitang pa akong hahakbangan.’

“Bulag na talaga siya, wala na siyang nakikita, kaya mahigpit ang hawak ko sa kanya nu’n,” pag-alala ni Willie sa Jukebox Idol.

Iyak nang iyak si Madel de Leon, ang misis ng pumanaw na singer, nang mapanood ang tribute ni Willie sa kanyang mister, “Buhay na buhay po ang asawa ko sa video, pakipasalamatan po si Sir Willie sa ibinigay niyang pag-alala kay April,” bilin sa amin ni Madel.

Nagsasalimbayan ang mga text na tinatanggap namin, sabi pa ni prop, “Napakainit ng panahon, grabe ang pagkatuyot ng lupa, pero nu’ng mapanood ko ang tribute ni Willie sa mga namatay na personalities, feeling ko, e, nadiligan ng luha ang lupa.”

Maraming salamat sa mapusong pag-alala ni Willie Revillame sa mga pumanaw nating personalidad. Ganu’n siya kung magpahalaga.

Tumatawid ang sinseridad niya sa pagsasalita, sa pag-alala sa pinagsamahan nila ng mga personalidad na nauna nang “umuwi,” bitbit niya ang kalungkutan hanggang sa matapos ang Wowowin.

Sabi niya habang pauwi, “Nakakalungkot, napakaigsi ng buhay, kausap mo lang ngayon, wala na bukas

Show comments