^

PSN Showbiz

Jodi, Zanjoe at Sue, bibida sa The Broken Marriage Vow... Ng BBC

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jodi, Zanjoe at Sue, bibida sa The Broken Marriage Vow... Ng BBC
Sue, Zanjoe, Jodi and Zaijan
STAR/ File

Uy finally, pagkatapos maging pahulaan, ipinakilala na ng ABS-CBN Entertainment ang prime Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria bilang lead star sa Pinoy remake ng hit BBC global drama na Doctor Foster, na kikilalanin sa Pilipinas sa titulo nitong The Broken Marriage Vow.

Matapos ngang gampanan ang sari-saring papel na nagmarka sa mga manonood, isa na namang mapanghamong karakter ang bibigyang buhay ni Jodi – si Dra. Jill Ilustre – ang katumbas ni Gemma Foster sa Pinoy serye.

Halos na kay Jill na ang lahat sa personal na buhay man o trabaho, pero babaliktad ang mundo niya nang madiskubre niya niloloko siya ng kanyang asawa kasama ang isang mas batang babae.

Makakatambal naman ni Jodi si Zanjoe Marudo na gaganap bilang si David Ilustre, ang Pinoy Simon Foster.

Tila perpekto si David sa mata ng kanyang asawa at anak, ngunit siya rin ang sisira ng kanyang pamilya dahil sa mga kasinungaling itinatago niya.

Kaabang-abang naman ang dadalhing gulo ni Sue Ramirez bilang si Lexy Lucero, ang magiging Kate Parks ng Pilipinas at ang kabit na wawasak sa pagsasama nina Jill at David.

Mapusok at mayaman si Lexy at hindi nagpapapigil sa pag-ibig kahit na ito ay para sa isang pamilyadong lalaki.

Si Zaijian Jaranilla ang kukumpleto sa main cast ng The Broken Marriage Vow at gaganap na Gio Ilustre o Pinoy Tom Foster.

Siya ang kaisa-isang anak nina Jill at David at magiging biktima ng masa­limuot na kwento ng pag-ibig ng kanyang mga magulang.

Ipagkakatiwala naman ang direksyon ng serye kay Concepcion Macatuno, na kilala sa palalahad ng iba’t ibang kwento ng kababaihan sa kanyang mga pelikula. Ngayon naman, bibigyang buhay ni Direk Connie ang kwento ng isang babaeng gagawin ang lahat para maprotektahan ang lahat ng mahalaga sa kanya.

Ang The Broken Marriage Vow ang ikaanim na local adaptation ng Doctor Foster kasunod ng mga bersyon nito sa France, Russia, Turkey, India, at South Korea, kung saan pinangalanang highest rated cable TV drama ang The World of the Married na sinubaybayan din ng maraming Pinoy.

At least definite na hindi si Lovi Poe ang gaganap sa character ni Lexy.

Nauna nang naisyuhan na ito ang unang project ni Lovi sa Kapamilya.

Anyway, abangan sina Zanjoe, Sue, Zaijian, at Jodi sa The Broken Marriage Vow sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment na ipapalabas sa iba’t ibang ABS-CBN platforms.

vuukle comment

DOCTOR FOSTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with