Vice takot na takot pa ring lumabas, araw-araw nagpapa-swab!

Vice
STAR/. File

Aminado si Vice Ganda na takot na takot pa rin siyang lumabas ng bahay. Nang magkaroon nga raw ng surge sa COVID-19 ayaw na sana niyang mag-Showtime.

Pero na-realize niyang kung hindi siya lalabas at hindi magso-Showtime, hindi na rin magta-trabaho ang kanyang mga kasama sa show.

Ayon kay Vice, hanggang Showtime lang ang labas niya. Pero everyday daw talaga, may PCR test sila at hindi lang basta antigen para masigurong hindi sila nahahawa.

Feeling powerless din siya ngayong pandemya dahil bukod sa Diyos wala raw ibang puwedeng kapitan ngayong mga panahong ito. “Dasal ako nang dasal kahit na patawa ako nang patawa lagi, doon na lang ako kumakapit kasi ‘di ka naman makakakapit sa kapwa mo ngayon ‘di ba. Kumapit ka man konti lang mabibigay nila talaga sa ’yong suporta pero ‘yung para maka-survive ka talaga doon lang talaga ako kumakapit (sa Diyos, sa dasal) – ‘yun ang realization ko (ngayong pandemic).”

Anyway, isa taon matapos mag-shutdown ang ABS-CBN dahil sa kawalan ng prangkisa at mula nang magka-Covid-19 pandemic sa buong mundo, handa nang sumalang ang Unkabogable star na si Vice Ganda sa digital concert stage.

Sa mediacon kahapon ng kanyang Gandemic: The VGtal Concert na nakatakdang mapanood sa July 17 (9 p.m.) at 18 (11 a.m.) sa ktx.ph, iWanttfc at skycable ppv, inamin ng It’s Showtime host na pinanood muna niya ang virtual concerts ng singers gaya nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo para magkaroon ng ideya sa paggawa nito.

Naurong daw ang streaming date nito mula Mayo dahil sa pabagu-bagong guidelines na inilalabas ng IATF kaugnay ng health at safety protocols.

Sa original plan ay kasama sa list of guests sina Anne Curtis, Moira at sina Ice Seguerra at Jake Zyrus para sa isang LGBT-themed production number na ni-request ni Vice. Pero dahil sa pagbabago ng concert date, umaasa siya na ok at makakasama pa rin niya ang mga nabanggit na artist.

Si John Prats ang magsisilbing direktor ng Gandemic habang si Marvin Querido naman ang tatayong musical director nito.

Nagpakatotoo naman ang komedyante nang sabihin na ang digital concert ay 90 porsiyentong pagpapatawa at mangilan-ngilan lamang ang musical numbers.

Gusto raw niya at ng Viva big boss na si Vic del Rosario na siguruhing mapapasaya ng Gandemic ang mga manonood. “Gusto ko ’yung tipong for one night, sa span of two hours, makalimutan nila ang mga nangyayari sa paligid. Gusto ko tumawa lang sila nang tumawa,” paliwanag ni Vice.

Dagdag pa niya, “Very different ito from the concerts of singers kasi ’di naman ’yun ang strength ko, ’di ako super sing, ’di super dance. Ito talaga, not so much on songs and dances, ang mabibigay ko strength ko, dapat grabeng patawa ito dahil iyon ang kailangan nila (ng audience), eh,” sabi niya na umaming nagkaroon ng insecurities at pakiramdam niya ay kinalawang siya dahil matagal napahinga sa pagpe-perform. “Mas gutom ako ngayon (na mag-perform.) Nahihirapan akong mag-perform pero mas gutom ako, mas passionate ako ngayon. Kaya nga kahit ang hirap pinu-push ko eh kasi ako nanggagaling talaga dun sa passion ‘di ba. Kung pera’t pera rin naman hindi naman ako naghihirap ‘di ba. But I am so passionate to do this. Gusto ko talaga itong i-push. Kasi nagugutom ako sa ano eh. Feeling ko kasi achievement ko ‘yun kapag may nagawa akong isang bagay na makakapagpasaya sa audience ko.

“Gusto ko magkaroon ng venue para makapagpatawa ulit. So I am so gutom. Actually tinanong ko ‘to sa mga kaibigan ko kasi para malaman ko kung ako lang ba naka-experience. Kasi there was a time na ang haba nung break kasi hindi kami nagla-live sa Showtime so puro replay lang ganyan-ganyan. Tapos nung bumalik kami may time na ang tagal ko nakanganga tapos may gusto akong sabihin hindi ko mabuo sa utak ko, hindi ko mabato ‘yung punch– hindi ko ma-punch. Tapos sabi nila pagkatapos nung commercial break sabi nila Vhong (Navarro), “parang ang lalim ng iniisip mo kanina ka pa nakanganga”. Sabi ko, “kasi nafufustrate ako”. Sabi niya, “bakit?” Parang kinalawang ako sabi ko. Meron akong.. (pause) di ko siya mabato agad tapos ‘di ko maisip agad,” pag-amin niya.

Though sinabi rin naman niyang hindi siya affected financially dahil nakapag-ipon siya pero marami raw talagang nawala  lalo na ang mga concert tour sa abroad na malaki ang kanyang kinikita.

Show comments