Claudine balik-tv, wala pang sinasabi sa kapalaran ng kaso kay Raymart

Claudine
STAR/ File

Tuwang-tuwa ang fans ni Claudine Barretto na mapapanood na uli siya sa TV. Yup, nasa Lunch Out Loud na siya sa TV5 bagama’t wala itong binanggit kung regular basis. Sa isang post niya, sinabi nitong “I’m now here, co-host dito sa Lunch Out Loud sa Channel 5. So, please watch, abangan n’yo po ito next week, I think,” habang nasa make-up room.

Samantala, wala pang comment si Claudine sa isyung dismissed ang ikinaso niya sa ex husband na si Raymart Santiago na Violence Against Women and Their Children Act. Late last year nang isampa niya ang kaso.                                                                          

Show comments