Marian, may paandar sa Mother’s Day

Rabiya
STAR/ File

Pasok na naman ang isang bagong endorsement kay Marian Rivera!

Si Marian ang latest ambassadress ng isang health and wellness company.

Naku, pagdating sa health and wellness ng isang tao, bihasa riyan si Yan lalo na’t may asawa siyang nagtatrabaho at dalawang batang anak!

Eh ngayong Mother’s Day, naghahanda na si Marian ang paggawa ng bagong flower arrangements na swak na swak para sa mga mother.

May bago naman siyang paandar kaugnay ng isang brand ng home appliances na ineendorso para sa favorite dessert ng anak nila.

Para sa anak niyang si Zia, mais con yelo ang fave dessert ng bata!

SBP, pinayagan sa bubble setup

Galak na galak ang fans ng basketball dahil pinayagan na ng IATF ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na mag-host ng international basketball federation o ‘yung kilala ring FIBA Asia ayon sa latest news report.

Sa June 2021 ito magaganap sa bansa. Sa Clark City gagawin ang mga laro under bubble.

Samantala, pinayagan na rin ang PBA o Philippine Basketball Association na magsagawa ng practice sa lugar na under GCQ at MECQ.

Push pa more para maging ang collegiate sports tournament ay matuloy na rin!                                                

Show comments