_ngayon
^
Alfred, namigay ng âswimming poolâ
Coun. PM
STAR/ File

Alfred, namigay ng ‘swimming pool’

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2021 - 12:00am

Wow, pati inflatable swimming pool, naisip ipamigay ni Cong. Alfred Vargas.

Sobrang init nga naman kasi, halos 40 degrees. As in parang pakiramdam ng iba hell is real lalo na at walang mall na puwedeng pasyalan para magpalamig.

Noon kasi, ‘pag summer time, siksikan sa mall para mag-chill dahil nga libre ang malakas na aircon kahit ‘di naman magso-shopping.

Eh ngayon, iwas-iwas sa virus. Bawal maglagalag lalo na sa mga lugar na kulob dahil nga sabi sa ilang research, may possibility na airborne na ang virus. Maraming nag-iingat daw kasi ang nahahawa pa rin kaya pati sa hangin, marami na ang takot.

Kaya laking tuwa at todo pasasalamat ng mga nabigyan ni Cong. Alfred ng inflatable pool.

Hindi rin kasi ito kamurahan plus hindi ka na o-order online o kaya ay lalabas para bumili.

“Umaraw man o umulan, magkakasama tayo. Kaya ngayong summer, sagot natin ang fun under the sun para sa mga bata at sa mga child at heart. Handog po natin ang inflatable swimming pool sa mga winner ng Kidlat Round mula sa ating Online Raffle. Sila po ang ating mga ka-District V na mala-kidlat sa bilis sumagot sa ating live questions,” post ni Cong. Alfred.

Kasama niyang namigay si Coun. PM Vargas.

Kaya mag-join na sa kanilang online raffle.

ALFRED VARGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with