_ngayon
^
Ricky, âdi nalimutan ang pagrorosaryo ni Kris
Ricky Lo
STAR/ File

Ricky, ‘di nalimutan ang pagrorosaryo ni Kris

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2021 - 12:00am

Isa sa stars na may soft spot si Ricky Lo ay si Kris Aquino.

Hindi niya malimutan na si Kris ang nag-recite ng rosary sa wake ng mother niya. Kaya kahit anong issue noon kay Kris, mas lamang na nasa side niya si Ricky.

Nagkaroon sila ng konting ‘tampuhan,’ medyo matagal nang walang communication. Pero may isang okasyon noon na nagpadala ng mga regalo si Kris sa ilang kaibigan at pinadalhan niya si Ricky.

I remember na ang tagal naming nag-usap ni Ricky tungkol doon. Happy siya sa gesture ni Kris, kasi nga sabi niya, forever sa memory niya ‘yung pag-recite nito ng rosary sa wake ng mother niya.

Ewan ko kung bakit hindi pa rin naayos ‘yung gap, pero I know, wala na ‘yung tampo ni Ricky.

Tumawag si Alvin na trusted staff ni Kris  noong isang araw, asking me how they can get in touch with Ricky Lo’s family, how they can help, at ewan ko ba, parang nag-flash ‘yung mukha ni Ricky.

Now I am sure, na talagang love niya si Kris at siguro wherever he is now, masaya siya dahil ito na naman si Kris reaching out her hands to him.

Small things can really be big, and big things are not always that important sometimes. Basta, in the name of friendship, forever friends sina Ricky at Kris.

And now more than ever mas na-appreciate ko na nasa showbiz tayo, Salve. Isa sa pinaka-precious sa mga taga-showbiz ang oras nila. Sa sobrang busy, dami ng sked, mga ginagawa, usually hindi natin nabibigyan ng oras ang mga bagay na ngayon ko nakita ang importansiya.

Sa showbiz, pumapasok, lumabas ng hospital ang may sakit, sure akong konti lang ang nakadalaw. ‘Pag may wake, ‘yung pinaka-close mo na lang siguro ang makakadaan. Lagi nating sinasabi, kasi busy, may ginagawa o nalimutan ko. Para bang fleeting lahat ng pangyayari, nagdaan lang, pag-uusapan ng isang linggo, tapos limot na.

So ‘pag nasa showbiz ka, siguro mas madaling mawala ‘yung pain, mas madaling malimutan ‘yung cause of pain. Kaya nga kahit pa devastated ka sa loss mo, after a while, makakalimutan mo rin ito.

Suwerte at talagang top of the line ka ‘pag huminto for a while ang showbiz para maalala ka, para pag-usapan ka. Bongga ka ‘pag parang nagulo ang sked dahil sa iyo. At siguro now, nakita ng lahat kung ano ang ranking ni Ricky Lo sa showbiz.

Sure ako, natutuwa siya, dahil siya ang topic of the day, siya ang star ng Wednesday, at nag-stop ang lahat para pag-usapan siya.

At dahil nga nasa showbiz tayo, siguro, madali ring mawawala ang pain na idinulot ng pagkawala niya. But promise, forever, ‘yung alaala ng pagi­ging credible, kind at sweet person niya, will stay. Pro­mise, every year we will remember May 5, your departure date, Ricky. Promise.

RICKY LO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with