_ngayon
^
Lovi, âdi pa rin maka-decide kung Kapuso o magiging Kapamilya na!
Lovi
STAR/ File

Lovi, ‘di pa rin maka-decide kung Kapuso o magiging Kapamilya na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2021 - 12:00am

Na-extend pala ang bakasyon ni Lovi Poe sa Amerika na kung saan nakakasama niya roon ang kanyang boyfriend. Baka first week of June na raw ang balik niya ng bansa, at siyempre inaabangan kung matutuloy ba ang paglipat NITO sa Kapamilya channel o mananatili siya sa GMA 7.

Tikom ang bibig ng mga taga-GMA 7 kahit anong kulit namin sa kanila kung kumusta ang negotiation ng renewal. Humirit din ako sa manager ni Lovi na si Leo Dominguez kung pagbalik ba ng aktres ay pipirma na siya sa renewal sa GMA 7. Sinagot lang ako ni Leo ng smiley emoticon.

May ilan naman kaming napagtanungan, at sinasabi nilang marami ang nagkukumbinsi sa kampo ni Lovi na mag-renew na sa GMA 7. Ang suwerte nga raw ni Lovi dahil pinigilan pa siya ng GMA at merong counter-offer. At bibigyan pa rin ng network contract.

Iilan na lang kasi sa Kapuso stars ang binigyan ng exclusive contract sa naturang network, dahil ang iba ay per program na lang ang kontrata.

Sa totoo lang, sa panahon ngayon mahirap mag-demand at mag-inarte dahil sa rami ng mga artistang walang trabaho. Kung meron man, wala ring katiyakan kung may kasunod ba pagkatapos ng ginagawa niyang programa.

Rabiya, seryosong makuha ang korona

Meron nang Miss Universe app na kung saan doon natin masusubaybayan ang araw-araw na activities nito na gagawin sa Hollywood, Florida sa May 16 (May 17 naman dito sa atin).

Lahat ay curious sa journey ng kandidata nating si Rabiya Mateo na pinaghandaan nang husto ang pagsali sa naturang kumpetisyon.

Ang nakakatuwa sa Ilonggang beauty queen na ito, wala raw talaga siyang pinapalagpas. Lahat na chances ay gina-grab niya para walang pagsisihan bandang huli.

Kagaya ng agimat na dala-dala niya sa Miss Universe.

Aniya; ‘Kasi parang may hula na ang sabi, if you really wanna win dapat maghingi ka ng gamit from the former Miss Universe, like Miss Pia (Wurtzbach), Catriona (Gray), Gloria (Diaz)or from Margie (Moran). So, ako talaga hindi na ako nahiya, nag-message ako kay Pia. Sabi ko Miss Pia, baka may something ka namang mapapahiram sa akin. I mean, there’s nothing wrong about it you know. I just wanna make sure the chance… at least wala akong pinalalampas na pagkakataon.”

Sana nga umepek ang hikaw ni Pia ni hinaram kay Pia.

David, natotorpe kay Julie Anne

Ayaw na lang sanang gawing isyu pa ito ng ilang taga-Heartful Café na nakatsikahan ko, kasi mukhang madi-develop nga raw itong si David Licauco kay Julie Anne San Jose.

Dati raw kasi sa taping ay hindi naiwasang tuksu-tuksuhin sila dahil siyempre kailangang merong romantic angle sa promo nila dahil magka-loveteam sila sa drama series na ito.

Nagkakaroon na nga kilig sa taping dahil bagay naman silang dalawa. Parang nahihiya at noong una at medyo awkward pa si Julie dahil alam naman niyang para sa Heartful Café lang talaga ang tuksuhang iyon.

Si David naman ay tahimik lang daw at hindi alam kung ano ang ire-react dahil nagka-crush na pala siya noon sa Asia’s Pop Sweetheart. Pero sobrang mahiyain at may pagka-torpe pala ito kaya hindi raw alam kung paano siya makaporma kay Julie Anne.

Pero sinasabi naman daw ng Kapuso hunk na darating sila sa ganung level. Ayaw lang daw niyang madaliin, mas mabuting dito raw muna sila naka-focus sa Heartful Café. Hindi lang daw alam ni David kung may time ba siyang magkaroon ng karelasyon ngayon dahil bukod sa kanyang showbiz career ay abala rin siya sa pag-asikaso sa ilang negosyo.

Kaya darating naman daw ang tamang panahon.

Safe naman ang mga pahayag ni Julie Anne nang tinanong siya tungkol sa posibleng magkadebelopan sila ni David. Aniya; “Ako naman, never naman ako naging sarado. I mean I’m open to any possibility naman. And yes, If there’s a chance to get to know him more, I mean, why not? Let’s see.”

In fairness naman sa dalawa, may kilig factor naman talaga sila sa mga eksena nila sa Heartful Café.

LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with