_ngayon
^
âIsa na namang anghel ang nawala sa buhay koâ Sleep well, Ricky!
Ricky Lo
STAR/ File

‘Isa na namang anghel ang nawala sa buhay ko’ Sleep well, Ricky!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 6, 2021 - 12:00am

So very sad. So shocking. Ito ang balita, Salve, that jolt my heart. So painful. Ricky Lo is dead.

Just like how sad noong nawala si Douglas Quijano at Bibsy Carballo, parang isa na namang angel sa buhay ko ang iniwan ako. Just like Douglas na Ms. Amity, at ako si Amityville, ganyan din ang relasyon namin ni Ricky.

Lagi akong kontrabida habang lagi niya akong binibigyan ng sermon ‘pag umiiral ang kagagahan ko.

Hindi ko malimutan noong scam na umiiyak siya habang pinapangaralan ako, umiiyak siya dahil baka maapektuhan ng kahihiyan sa ginawa kong scam ang mga anak ko. Mas affected pa siya kaysa akin. That was really the time na talagang nagmarka sa akin how kind-hearted at sincere friend si Ricky Lo.

A part of me died yesterday, a part of my heart is broken. One of my best friend and guardian angel left without saying goodbye.

Pinagtatawanan naming dalawa na 75 years old na siya noong April 21, at 74 naman ako this May, line of 7 na, dapat umabot ng 8 para mas maganda ang passing mark.

Life is so fleeting, kaya good example sa akin ang pagiging madasalin at very religious ni Ricky.

Siguro nga, sobra siyang mahal ni God kaya kinuha siya nang hindi mas­yadong nahirapan sa sakit. ‘Yung nanghina lang siya dahil sa taas ng sugar, nakapag-video call pa siya sa kapatid na si Susan noong Monday evening, at kinuha siya ng Tuesday night.

He was at peace. He was ready.

Now, Ricky, whe­rever you are, just wait, pagdating ko diyan guguluhin na naman kita, ikaw na naman ang tagapagtanggol ko diyan. Hindi ako papayag na kayo nina Douglas, Bibsy at ikaw, Ricky, ay iiwanan ako nang walang guardian angel.

Sleep well. I love you. Salute.

RICKY LO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with