^

PSN Showbiz

Female personality na lampas na sa kalendaryo ang age, ayaw pa ring pagalaw

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang kuwentong ito ay pinatutunayan ng mga kaibigan ng isang kilalang female personality. Maging ang mga dati niyang karelasyon ay naninindigan na totoong-totoo ang kuwento na kapag gusto na siyang makaniig ng lalaki ay nakikipaghiwalay na siya.

Kani-kanyang prinsipyo naman meron ang mga kababaihan. Merong sa umpisa pa lang ng relasyon ay nakikipagtalik na sila, meron namang babaeng hindi pumapayag, at kapag namilit ang lalaki ay niyayaya na lang nila ng hiwalayan.

“Sasabihin na nating makaluma na ang female personality na ito, sabihin na nating napag-iiwanan na siya ng panahon dahil nagkakaedad na rin siya, pero ‘yun talaga siya, e!

“Kapag nararamdaman na niyang sex lang ang habol sa kanya ng guy, e, babu na agad siya! At totoo ‘yun! Mismong mga nakarelasyon niya ang nagsasabing hindi nila nagalaw ang girl!” unang kuwento ng aming impormante.

Ibig bang sabihin, sa edad ngayon ng aktres na lampas na sa kalendaryo ay wala pa rin siyang karanasan sa sex, birhen pa rin siya?

Balik-chika ng aming source, “Hindi rin sana kami maniniwala kung siya lang ang magsasabi na virgin pa siya. Kaso, mismong mga ex niya ang nagpapatunay na kayang-kaya niyang i-sacrifice ang relasyon kapag gusto na siyang galawin ng guy!

“Ilan na ba ang nakakarelasyon niya na luhaan nu’ng magkahiwalay sila? Mahirap paniwalaan, pero ‘yun na talaga siya, e!

“Napakahalaga sa kanya ng virginity, kung ipinamimigay lang ‘yun nang basta-basta ng ibang babae, para kay ____(pangalan ng pamosong female personality na may kapatid ding aktres), e, isang kayamanan ‘yun na talagang pinakaiingatan niya.

“At take note, sa ibang bansa pa siya lumaki, ha? Sa isang lugar na napakaordinaryo na lang ng paghahalikan sa kalye ng mga magkakarelasyon!

“At sa mga park ng bansang ‘yun, e, payong lang ang katapat na pangkubli ng mga nagchuchurvahan! True, sa kahit saan, e, nakakapag-sex ang mga mag-partner du’n!

“Pero hindi siya ganu’n, Pinay na Pinay ang kanyang paninindigan na ang pinakamagandang regalong maibibigay niya sa lalaki kapag ikinasal na sila, e, ang kanyang virginity!

“Parang malayo lang ‘yun sa image niya, pero ‘yun talaga siya, super-ingat sa pagkababae niya ang female personality! Nakaka­hanga ang babaeng ‘yun!” nakasaludo pang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

‘Maraming salamat, Kuya Ricky’

Ang merida ay nabibigyan na lang natin ng mas malalim na kahulugan kapag wala na ang tao. Kapag pumanaw na siya. Du’n mo pa lang maaalala ang mga huling pag-uusap n’yo.

Malapit sa aming puso ang namayapang kaibigan at kasama sa hanay na si Kuya Ricky Lo. Minsan man ay hindi kami nagkaroon ng problema. Nagtatawagan kami, nagpapalitan ng opinyon tungkol sa mga artista, malaki ang respeto namin sa kanya.

Nu’ng pumanaw ang designer na si Ariel Agasang ay tumawag sa amin si Kuya Ricky. Kinukuha niya ang numero ng designer na kababayan pala niya.

Tandang-tanda pa namin ang kanyang sinabi, “Napagod na rin siguro si Ariel, nakakaawa naman. Baka inatake rin siya ng depression dahil mahina ang negosyo ng mga designers ngayon.

“Nakakalungkot naman talaga ang mga nangyayari ngayon, maraming naapektuhan ng pandemic. Ako nga rin, gusto kong ipaayos ang bahay namin sa probinsiya, gusto ko nang umuwi,” sabi ni Kuya Ricky.

Si Willie Revillame ang palagi naming paksa kapag magkausap kami, saludo siya sa aktor-TV host, hindi raw nakalilimot. Palagi siyang naaalala.

“Si Willie, kahit wala syang kailangan, hindi nakalilimot. Napakaganda ng puso ni Willie. Ramdam niya ang pinagdadaanan ng lahat ngayong pan­demya.

“Ikaw na ang paulit-ulit na magsabi kay Willie ng thank you, kayo naman ang palaging magkausap,” habilin pa ni Kuya Ricky.

Martes nang gabi ay natanggap namin ang balitang pumanaw na ang magaling na manunulat. Hindi namin alam kung ano ang aming gagawin, biglang sumakit ang aming tiyan, patakbo kaming nagpunta sa CR.

Paalam sa isang kasamahan sa panulat na palaging kontrobersiyal ang mga paksang ibinabahagi sa publiko pero nananatiling mapagkumbaba. Walang kaere-ere sa kabila ng kanyang estado bilang patnugot ng The Philippine STAR.

Mapayapang paglalakbay sa isang manunulat na pinipiling pagkatiwalaan ng mga artista, sa isang kolumnistang marunong ding sumama ang loob sa mga personalidad na nambabaligtad sa kanya, pero palaging kontrolado ang kanyang emosyon.

Ilang linggo na ang nakararaan ay nagpadala siya ng pagkain sa Take It… Per Minute Me Ganun, tumawag siya sa amin at ang kanyang bilin, “Para sa inyong lahat ang food. Sabihin mo kay Salve (Asis), kumain din siya, ha?”

Ang saya-saya namin nu’ng mga oras na ‘yun, totoo nga ang kasabihan na kapag malapit nang magpaalam ang sinuman ay inaayos niya munang lahat ang mabigat na dalahin sa dibdib sa kanyang pagbiyahe, gusto niyang maging mapayapa at magaan ang kanyang paglalakbay.

Paalam, Kuya Ricky, maraming-maraming salamat sa napakagandang pagkakaibigan, maraming salamat sa pagpaparamdam na ang mga manunulat ay pantay-pantay lang sa kabila ng iyong tagumpay.

(Rest in Peace, tito Ricky. – Salve)

vuukle comment

RICKY LO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with