^
Gerald tameme pa, Maja ibinuking na gumapang ang career nung karelasyon ang dyowa ni Julia!
Gerald
STAR/ File

Gerald tameme pa, Maja ibinuking na gumapang ang career nung karelasyon ang dyowa ni Julia!

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

Wala pang reaction (sa kanyang social media account) si Gerald Anderson sa mga inamin ni Maja Salvador though may cryptic post itong “never was anything achieved without danger” - nichollo machiavelli,” after ng latest interview ni Maja sa Mega Entertainment at sabihing “Dapat hindi namin pinilit. Oo, na-in love kami sa isa’t isa. Pero siguro ‘yung mahirap na sa umpisa pero parang andiyan na eh! Alam mo yung ganon? Pero alam mong nag-struggle kaming dalawa, individually. Kasi ako gapang talaga from the start. Kasi siya, dumadami pa ‘yung commercials niya. Ako talaga as in gapang ako, wala ako. Nawalan ako ng mga endorsement.”

In a nutshell nga sa naturang interview ng ex-Kapa­milya actress, nag-suffer daw ang career niya noon dahil sa actor.

Napag-usapan din sa naturang interview na magtatambal pala sana sila sa Init Sa Magdamag na napapanood ngayon sa Kapamilya Network. Pinalitan siya ni Yam Concepcion.

Anyway, maaalalang 2013 nang magsalita si Kim Chiu sa isang presscon noon na nagulat siya at hindi niya in-expect na mang­yayari ang ganun bagama’t hindi raw siya bitter na ang tinutukoy ay ang relasyon nina Gerald at Maja. Basta nalungkot lang daw siya noon at kinain ang mga sinabi ni Maja.

Pero that’s already water under the bridge now as in moot, passed, irrelevant, forgotten, bagama’t nabuhay lang ngayong laging nasa gitna ng kontrobersiya si Gerald dahil sa relasyon nila ni Julia Barretto at sa interview ni Maja.

At baka raw tulad kay Maja noon, ganito rin ang maging epekto kay Julia lalo na nga at hindi naging maganda ang dating ng interview nito sa kanyang amang si Dennis Padilla at nakikita ng netizens na parang mas expressive si Julia sa relasyon sa aktor na nakadikit na ang pangalan sa salitang ‘ghosting.’

Consistent si Gerald na cryptic messages ang sinasagot sa mga rebelasyon din ni Bea Alonzo sa mga nangyari sa kanila.

GERALD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with