^
Muscle ng actor, retokado!
Nay Lolit Solis, Nay Cristy Fermin and Mr. Fu.
STAR/ File

Muscle ng actor, retokado!

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

Awww pati pala muscle ng isang male star, retokado. Yup, pati pala ‘yun puwede na. Kung noon boobs lang ang puwedeng lagyan ng silicone para lumaki at magkalaman, pati pala muscles puwedeng ganun.

Ayon sa source ng Take It... Per Minute, Me Ganun! ganito ang dinaanang proseso ng isang male star na nakasama sa beki-serye na napapanood sa digital platforms.

Kaya kung makikita mo raw na may cut na ang braso nito pati dibdib, hindi raw ‘yun authentic, inilagay lang at hindi nakuha sa workout. Hahaha.

Anyway, kasama ang nasabing blind item sa mga pinag-usapan kahapon sa no. 1 digital talk show ng Pilipino Star NGAYON sa digital platforms - Facebook and YouTube hosted by Nay Lolit Solis, Nay Cristy Fermin and Mr. Fu.

Pinag-usapan din dito ang tungkol nga sa naging interbyuhan ng mag-amang Dennis Padilla and Julia. Opinion nila, oo naman, ibang usapan ‘pag isyung pampamilya lalo na kung ama mo ang nag-dialogue na bakit kailangang ipatanggal ang apelyido niya kahit na nga nagdeklarang null and void noon ang kasal nina Dennis at Marjorie Barretto.

Anyway, nanatili namang tahimik sa mga nagaganap si Gretchen Barretto.

Sa mga hindi nakapanood ng live kahapon sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa, at sa YouTube Channel ng PSN, maki-team replay.

As always, maraming salamat po sa lahat ng mga naghihintay sa programa tuwing Martes, 12:00 to 1:00 p.m. lalo na ang mga nasa abroad na nag-aabang kahit madaling araw na umaabot hanggang sa Israel.

MR. FU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with