^
Klarisse, mababa ang self confidence!
Klarisse
STAR/ File

Klarisse, mababa ang self confidence!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

Malaki ang pasasalamat ni Klarisse de Guzman sa mga magulang dahil sa pagtitiwala ng mga ito sa kanyang talento.

Ayon sa singer ay madalas siyang nawawalan ng tiwala sa sarili noong nagsisimula pa lamang sa pagkanta pero palaging nariyan ang kanyang ina at ama upang suportahan ang kanyang ginagawa. “Madalas akong ganyan. Ako kasi ‘yung tao na medyo mababa ang self confidence ko. Mga magulang ko, ang mama at papa ko ang nag-push sa akin. Feeling ko hindi ako magaling kumanta. Ang dami kong insecurities. So sila ang nag-push sa akin para sumali and naging okay naman na,” nakangiting pahayag ni Klarisse.

Sa ama umano namana ng dalaga ang kanyang ang­king galing sa pag-awit. “Kasi si papa talaga ‘yung mahilig din bata pa lang ako, sa videoke, mga naggigitara. So lumaki ako na ganoon kaya siguro talagang gusto ko na rin ng music talaga. Doon din ako napunta,” pagbabahagi ng singer.

Isa si Klarisse ngayon sa celebrity performers sa pinakabagong season ng Your Face Sounds Familiar na napapanood tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel.

Sunshine, sabik makatrabaho si Iza

Certified Kapamilya star na rin si Sunshine Dizon. Kamakailan ay pumirma na ng kontrata sa ABS-CBN ang aktres at magiging bahagi ng teleseryeng Marry Me, Marry You. Pinagbibidahan ito nina Janine Gutierrez, Jake Ejercito at Paulo Avelino.

Matatandaang nakasama ni Sunshine noon sa Encantadia sina Karylle Tatlonghari at Iza Calzado na pawang Kapamilya rin. Kasamahan ding bida ng tatlo sa Encantadia noon si Diana Zubiri na nakagawa rin ng ilang proyekto sa ABS-CBN. “To be honest, they were the first ones who actually knew. Sila ‘yung mga una kong nasabihan. When the offer came, biglang nagkaroon ng ECQ, and some productions had to stop taping. I was telling Karylle, ‘Sis, pray for me, na sana matuloy talaga ‘yung project because I’m excited for it,” kuwento ni Sunshine.

Ayon sa aktres ay talagang masaya ang kanyang mga kaibigan sa naging desisyon niyang lumipat na ng TV network. “They were very happy for me. Actually, before the media con (conference) starts, magka-text kaming lahat at nakakausap ko rin si Karylle. Masaya sila para sa akin,” dagdag niya.

Samantala, bago pa lumipat sa Kapamilya network ay nasubukan na rin ni Sunshine na ma­ging Assistant Director. Ang dating Kapuso actress ang nag-A.D. sa online series na B&B: The Story of The Battle of Brody and Brandy na pinagbidahan nina Iza Calzado at Ian Veneracion.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto muling makatrabaho ni Sunshine si Iza sa bakuran ng ABS-CBN. “’Yung recent show ni Iza is really good. Nai-imagine ko ‘yung mga panahon na kami ang magka-partner. Siyempre original love team ko talaga ‘yan. Maybe an opportunity will arise now and I could work with her,” pagtatapos ng aktres.  (Reports from JCC)

IZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with