_ngayon
^
Sakit ni Zsa Zsa, nasa lahi nila nina Lorna at Amy  Probinsyano, magiging matindi ang sepanx
Zsa Zsa
STAR/ File

Sakit ni Zsa Zsa, nasa lahi nila nina Lorna at Amy Probinsyano, magiging matindi ang sepanx

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Buti na lang pala at may kapatid na doktor si Conrad Onglao kaya madali ang mga naging health checkup ni Zsa Zsa Padilla sa US.

Siyempre sa hirap ng panahon ngayon at iyon ngang mga condition sa ating local hospitals, hindi mo rin masisi si Zsa Zsa na magkaroon ng agam-agam na dito magpagamot.

Iyan ang sakit ng Padilla ladies tulad nina Lorna Tolentino at Amy Perez. Magpipinsang-buo ang tatlo at lahat sila may scoliosis kaya ito ang main problem nila. Mabuti na lang at ngayon mukhang maigi na nang konti ang kalagayan ni Zsa Zsa at mabuti na lang at may nag-aalaga sa kanya, si Papa Conrad.

Isang malaking bagay din na may kasama si Zsa Zsa habang nagpapagamot.

Pagaling ka at sana pagdating ng Pilipinas, all good na ang physical health mo Ms. Zsa Zsa.

 

Siguro ‘pag nagtapos ang FPJ’s Ang Probinsyano, masa-sad si Lorna Tolentino. Kasi ang tagal nilang nagkasama-sama ng staff, crew at mga star ng Probinsiyano kaya talagang brothers and sisters na rin halos ang turingan nila.

‘Yung separation anxiety masyado si­gurong mahaba ang itatagal. Magiging memorable siguro ang last cast party nila dahil sure akong merong iyakan blues na mangyayari.

Mas matindi pa nga siguro ang epekto nito kay Coco Martin dahil parang pamilya na niya ang programa at talagang hands on ang pag-aalaga niya rito.

For the longest time na nasa TV ito, kahit siguro ang manonood parang magkakaroon din ng sepanx, dahil minahal nila nang ilang taon ang nasabing programa.

Bongga nga, dahil kahit pandemic nagawa nitong i-entertain ang mga tao. Medyo matagal din bago malilimutan ng tao ang Probinsyano. At least, nakilala nila si Gardo at Lily, ngayon, matatapos na sila.

ZSA ZSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with