^

Aktres, maraming nakasalamuha bago nakumpirmang positive sa virus

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

Ang hirap pa rin pala ngayong mag-taping dahil hindi naiiwasan, meron talagang nagkakasakit.

Kagaya ng nangyari noong nakaraang Lunes sa ta­ping ng isang weekly show, inulit ang swab test sa ilang artista at production staff dahil merong isang kasama na nagpositibo sa COVID-19.

Huli nang dumating ang resulta ng RT-PCR test na positive pala ang isa sa kanila.

Pero in fairness naman sa aktres na nagpositibo, hindi na siya tumuloy sa taping dahil parang may nararamdaman na raw siya. Kaya nag-self quarantine na siya sa bahay.

Kaya lang may mga nakasalamuha siyang artista at ilang production staff, kaya kailangang silang i-test uli. Apektado tuloy ang taping nila.

Ang hirap talaga para mairaos lang ang taping at may bagong maipapalabas.

Nagsasawa na rin kasi ang karamihan sa mga replay na programa, kaya sinisikap pa rin ng mga TV network na makapag-taping kahit mahirap, buwis-buhay at magastos pa.

Markki, kumikita ng P300K  sa pagpapaseksi?!

Masuwerte ang ibang artista na hindi nawawalan ng programa at tuluy-tuloy ang taping.

Pero ang ibang hunk actors, lalo na ang mga baguhang wala namang regular shows, pumatol na sa kakaibang raket ngayon online.

Marami nga ang nagulat sa sexy pictorials ni Markki Stroem na ginamit pala sa kanyang Patreon account at pinagkakakitaan na raw niya ito ngayon.

May bayad kasi ang subscription doon, at dahil sa daring pictorials, ang daming kabadingang naengganyong mag-subscribe.

Totoo kaya ‘yung nakarating sa aming, umaabot ng P300K a month ang kinikita niya sa mga pa-sexy niya sa kanyang social media account?

May ilan namang hindi pa gaanong kilala at nagsimula sa all-male group na pumapayag na sa mga indecent video basta mag-subscribe lang sa kanilang account at magbayad.

May special show sila roon na nagma-masturbate na nakikita ng mga nagbabayad sa kanilang indecent shows.

Dalawang miyembro na raw ng Bidaman ang pumapatol sa ganitong raket at malaki ang kinikita nila.

Lahat na lang ginagawa para kumita ngayong halos lahat ay naapektuhan sa hirap ng buhay.

Tamang-tama naman, sinasakyan ito sa promo ng pelikulang Lockdown ni direk Joel Lamangan na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao.

Tumatalakay sa ganung gawain ang naturang pelikula na ginagampanan ni Paolo ang isang dating OFW na nawalan ng trabaho, kaya napilitan siyang pasukin ang ganitong trabaho.

Sabi nga ni Paolo nang makatsikahan ito ng ka-Troika kong si Jerry Olea, “Para sa akin, walang masama kung papasok ang isang tao sa ganoong trabaho. Hindi naman po natin alam what pushed them to do it. Posibleng nangangailangan talaga sila ng pera hindi para gamitin lang sa luho kundi para gamitin ‘yung pera para makabili ng pagkain, mabayaran ‘yung tirahan o etc.”

The Clash, naghahanap ng mga biritero’t biritera

Magbabalik na pala ang The Clash na nasa 4th season na. Binuksan na ang online auditions nitong all-original Filipino singing competition para sa mga natural-born Filipinos 21-year old pataas.

Ayon sa mechanics na ipinost sa official Facebook page ng The Clash, ang audition video ay dapat naglalaman ng self-introduction, isang Tagalog at isang English song, at ang final version ay hindi dapat lalagpas ng 100MB at naka-MP4 o MOV format.

RT-PCR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with