^

Gay TV host na puro palabas ang pera, naging mainitIn na ang ulo!

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

Maraming nakakapansin na mainitin ang ulo ngayon ng isang kilalang gay TV host. Dati na siyang nagmamaldito sa linya ng kanyang trabaho pero mas pansin na pansin ng kanyang mga kasamahan ang kakaiba niyang pagiging sumpungin ngayon.

Komento pa nga ng iba, mukhang hindi na umeepek sa kanya ngayon ang sobra-sobrang pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng karelasyon niyang male personality, parang wala na siyang inspirasyon ngayon.

Kuwento ng aming source, “Hindi ba, dati na siyang nagiging problema ng production? Nandu’n na sa studio ang lahat ng mga hosts, pero siya, ni ha, ni ho, walang pasintabi kung nasaan na siya!

“Tinatawagan siya ng staff, pero hindi siya sumasagot, tinatawagan din ang PA niya, pero wala ring reply sa text at sagot sa mga tawag nila!

“Dumarating siya, late na, nakakailang commercial gap na ang show. ‘Yung nagrereklamo sa working attitude niya, ‘yun pa ang tinanggal!

“Sobra siyang spoiled ng network, dahil siyempre, sikat siya, kapag nawala siya sa show, e, sa kangkungan pupulutin ang mga kasamahan niya!” unang kuwento ng aming impormante.

Napakaraming naganap na pagbabago. Napilay ang istasyon, hindi malaman ang gagawin para magpatuloy sila, apektado siyempre ang gay TV host sa mga kaganapan.

Patuloy ng aming source, “Kung anu-ano ang inginawa niya sa ere, anuman daw ang mangyari, e, hindi niya iiwanan ang istasyong tinatanawan niya ng utang na loob.

“Siya ang nagpasimuno sa pagpaparinig sa mga lumilipat na artista sa ibang network. Kuda siya nang kuda! Wala raw utang na loob ang mga taong ‘yun na napakaagang kumabilang-bakod!

“Heto na. Habang kuda siya nang kuda, e, nag-aalala rin siya sa career niya. Ramdam na niya kasi ang kakaibang nangyayari. Wala nang kumukuha sa kanya para mag-concert sa ibang bansa dahil nga sa pandemic.

“E, ‘yun ang nagpayaman nang matindi sa kanya, ang mga biyahe niya sa iba-ibang bansa na milyon ang kontrata niya sa bawat show! Wala na ‘yun ngayon, nababawasan na ang kaban niya dahil puro palabas ang kanyang datung!

“Natural, magiging masaya ba naman siya sa ganu’n? Natural, nababagabag din siya sa bulsa niya, sa future niya, kahit pa may malaki na naman siyang naiipon!

“Halatang-halata na mainitin ang ulo niya ngayon, nahahalata ‘yun ng mga tagapanood nila, pati nga ang mga contestants nila, e, napupuruhan sa pagmamaldita niya!

“Hindi maganda ‘yun! Kailangan niyang tanggapin na walang forever! Hindi siya ha­bampanahong sikat, kumakamal ng kadatungan, may katapusan ang lahat!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Alice, kinumpleto ng anak

Kitang-kita ang nakaguhit na kaligayahan sa mukha ni Alice Dixson dahil sa pagdating ng mun­ting anghel sa kanyang buhay na si Baby A. Baby Alicia siguro ang ipinangalan niya sa bata na sunod sa kanyang pangalan.

Matindi ang pinagdaanan ng magnanay dahil nataon sa pandemya ang regalong ito sa kanya ng langit. Ang pagbiyahe na lang nang dose oras ay isang malaking sakripisyo na, pagdating dito ay nag-quarantine pa sila, sabi nga ng iba ay Baby Quarantine daw dapat ang ang ipinangalan ng magandang aktres sa kanyang anak.

Si Baby A ang kumumpleto sa buhay ni Alice Dixson. Halos lahat ng kanyang mga pangarap ay ibinigay na sa kanya, anak na lang ang kulang, kaya wala na siyang mahihiling pa ngayon.

Oo nga’t hindi sa kanyang sinapupunan nagmula ang sanggol ay parang ganu’n na rin, para pa rin sa kanya si Baby A, ang batang magiging inspirasyon niya habambuhay.

Maligaya ang kanyang pamilya sa pagdating ni Baby A, napakatagal na panahon nilang nagsama ng naging mister niya na si Ronnie Miranda, pero hindi sila nabiyayaan ng anak.

Kung nakanino man ang problema ay hindi na mahalaga ngayon ng nakadiborsiyo niyang mister, ang importante ay nandito na si Baby A, ang halos ikainip na niyang sorpresa ng langit.

Si Alice pa naman, kapag nanganganak nga ang kanyang mga kapatid na nasa Amerika at wala rin naman siyang trabaho dito ay “namamasukan” siyang yaya ng kanyang mga pamangkin, ganu’n siya kamapagmahal sa mga bata.

Ngayon ay may sarili na siyang anak, parang nakikinita na namin kung paano niya personal na palalakihin ang bata, napakasuwerteng sanggol.

Ipinagmamalaki ni Alice na kumpleto na siya ngayon, tinanggap na niya ang pinakamahalagang regalo sa kanya ng langit, puro thank you na lang daw ang masasabi niya ngayon at dasal na sana’y maging responsable siyang ina kay Baby A.

Walang pinipiling panahon ang pagiging ina. Anumang oras ay maaaring magmahal ng anak ang sinuman mula man ‘yun sa kanyang sinapupunan o hindi.

ALICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with