^
Pauleen, naging rebelde rin!
Pauleen at Mommy Chat

Pauleen, naging rebelde rin!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 4, 2021 - 12:00am

Touching ‘yung message ni Pauleen Luna sa mother at father niya sa Instagram.

Totoong ‘pag nag-mature ka na saka mo nakikita ‘yung wisdom ng mga nanay sa paghihigpit sa kanilang mga anak.

Of course, there was a time na medyo ‘rebelde’ rin si Pauleen sa higpit magbantay ni Mommy Chat, pero now niya nakita ‘yung dahilan at bakit mahigpit ang mommy niya.

Mommy Chat is one showbiz mother na very friendly at isang malaking ace sa career ni Pauleen.

Si Mommy Chat kahit sabihin pang gustong gusto maging artista si Pauleen, pero gusto pa rin niyang intact ang values nito. Makikita mo ang sincere sacrifice niya na ang oras niya ay hinahati niya bilang housewife at mother para lang lagi siyang nasa tabi ni Pauleen. Hitsura talaga na kahit pa nga puwedeng mag-hire ng driver, siya ang talagang hatid-sundo sa anumang puntahan ni Pauleen.

In fairness naman, mabait at masunuring anak si Pauleen, except for some instance na siguro gusto rin niyang gayahin noong una ang ibang young stars.

Isa pang bagay na napuna ko kay Pauleen, hindi mapagtanim ng galit, it is so easy for her to forgive. Mabait ang anak kaya binigyan ni God ng mabait na mga magulang. Masunuring anak kaya natupad ang dasal ng isang mother na mabigyan ng isang responsable at mabait na asawa.

 Really, God is good all the time, kaya naman maging mabait ka lang, your wish will be granted.

Happy Mother’s Day, Mommy Chat and Pauleen Sotto. Talagang bagay kayong mag-ina, dahil you complement each other.

Agimat, tanggap ng viewers

Bongga talaga ang Agimat ng Agila ni Bong Revilla. Kahit pa nga dinaga ang dibdib ni Bong dahil sa tagal niyang wala sa TV, at dahil na rin sa ibang negatrons na talagang walang makitang maganda sa mundo, heto at tinanggap ng TV viewers ang Agimat ng Agila.

Maganda ang pagkakagawa ni direk Rico Gutierrez, exciting. Maganda rin ang mga ginamit na dialogue, hindi dated kaya relate ang millenials.

Buo ang suporta ng GMA 7 at talagang nakita mo ang ibinuhos na energy ni Bong Revilla. To think na first time experience niya ang lock-in, nag-enjoy siya dahil naging matindi ang bonding nila ng mga kasama tulad nina Benjie Paras at Roi Vinzon. Mahusay din ang suporta ng ibang cast kaya naman nakita mo ang rapport sa screen.

Isang malaking tagumpay ang initial showing ng Agimat ng Agila. Patunay ito na sabik na rin ang mga manonood sa mga bagong palabas dahil nga maraming replay bunga ng takot sa taping na may mga nagaganap na health scare.

 

PAULEEN LUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with