^
Rocco at Misis, ngayon lang nakapag-honeymoon
MElissa at Rocco

Rocco at Misis, ngayon lang nakapag-honeymoon

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 4, 2021 - 12:00am

Masaya na ang bagong kasal na sina Rocco Nacino at Melissa Gohing na nakapag-honeymoon sila sa Boracay. May balak kasi sana talaga silang sa Europe ang honeymoon nila pero mahirap pa sa panahon ngayon.

Bukod pa riyan, tuluy-tuloy na ang trabaho ni Rocco. Finally, nagsama na sila ulit ng ex niyang si Lovi Poe sa Owe My Love.

Pagkatapos ng Owe My Love ay may kasunod na agad si Rocco, ang Artikulo 247 pero tinanggal na siya sa project na iyon dahil siya na ang ipinalit sa drama series na dapat ay pagbibidahan ni Derek Ramsay.

Hindi na nga natuloy si Derek sa drama series na To Have and To Hold kasama sina Carla Abellana at Max Collins.

Wala nang ibang nasabi si Rocco nang naka-text ko kundi magpasalamat sa Diyos sa tuluy-tuloy na blessing. “God is good!” bahagi ng text niya sa akin.

Challenging daw kay Rocco itong project na ito dahil heavy drama raw kaya magri-research pa raw siya nang husto sa character na gagampanan niya.

Pero maingat pa ngayon ang mga taga-GMA sa pagsalang sa lock-in taping dahil sa rami ng kasong kahit nakapag-antigen test at naging negative naman ang lahat bago pumasok sa taping ay meron pa ring nagkakasakit. Kaya hindi sila nagsasabay-sabay ng taping.

Maingat na inaayos muna ang pag-quarantine sa lahat na involved sa isang project bago sila ipasok sa lock-in taping.

Magsisimula na ngayon ang Legal Wives, at susunod naman ang Las Hermanas na kung saan dito magbabalik Kapuso si Albert Martinez.

Huli ko lang nalaman na hindi na pala kasali rito si Bea Binene at pinalitan na raw ni Thea Tolentino.

Sa susunod na buwan naman ay sisimulan na The World Between Us ni Alden Richards kasama sina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith. Mukhang gagastusan din ito nang husto ng GMA 7.

Samantala, muling nabuhay ang weekend ratings ng GMA 7 dahil sa tumaas ito noong nakaraang Sabado, pati noong Linggo.

Nadala siguro sa bonggang promo ng Agimat ng Agila na naka-16.3 percent na rating ayon sa AGB Nielsen. Kaya nadamay ang ilang programa. Kagaya ng Magpakailanman na replay episode ni Nora Aunor at sumunod na ang Daddy’s Gurl at I Witness.

Noong nakaraang Linggo naman ay live na live na sa studio ang All-Out Sundays na sobrang maingat silang lahat sa loob ng studio.

Anim na performers lang daw ang allowed sa stage, at ang ilang staff na hindi naman gaanong kailangan sa studio ay wala roon.

Ang ibang artista nga ay sa labas lang nakatambay para may hangin at hindi kulob sa loob ng dressing room o sa studio. All the time ay hindi sila naglalapit. Magkakahiwa-hiwalay sa backstage at laging naka-face mask at face shield.

Sobrang iniingatan nila, dahil susunod na rin ang ilang programa na magti-tape sa loob ng studio.

 

ROCCO NACINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with