_ngayon
^
Angel, trending ang pagtulong sa isang tatay sa ER
Angel

Angel, trending ang pagtulong sa isang tatay sa ER

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - May 4, 2021 - 12:00am

Ilang araw nang muling pinag-uusapan si Angel Locsin, hindi dahil sa bashers niyang hindi yata maka-quota sa kailangang ilabas sa isang araw  kaya binabalik-balikan si Angel at mga ang nangyari sa kanyang community pantry. Pero ngayon ang trending sa isang social media platform ay ang pagtulong niya sa tatay ng isang baby na nakita niyang umiiyak sa ospital. Hindi rin namin alam kung ano ang puno’t dulo ng usapan kaya nga hinanap muna namin ang sources. May nagsabi pang nakunan iyon ng video ng isang netizen kaya hinanap din namin iyon.

Nang makita namin ang video, mukha ngang isang simpleng cellphone video lamang iyon, nakita si Angel na naka-face mask pero hindi mo maikakaila na siya nga iyon, pati porma ng katawan. Kinausap ang isang lalaking naka-shorts at nakaupo sa isang bench sa isang lugar na mukhang ER ng isang ospital. Binuksan ni Angel ang kanyang bag, naglabas ng pera. Iniabot iyon sa lalaki at mabilis na tumalikod na at pumasok sa isang cubicle doon din sa ER yata iyon.

Manghang-mangha ang isang netizen na nagsabing akala raw niya mga kuwento lang ang mga pagtulong ni Angel hanggang sa nakita niya mismo si Angel, nilapitan ang ama ng baby, at ina­butan ng tulong na walang tanung-tanong at hindi rin naghintay na magkaroon pa ng pagkakataong
makapagpasalamat sa kanya ang tinulungan.

Suspetsa ng witness na ayaw na ni Angel na makilala pa siya ng kanyang tinulungan kaya matapos na iabot ang pera ay tumalikod na agad siya at umalis.

Hindi nga siguro gusto ni Angel na malaman pa ng iba ang kanyang ginagawa, pero nakilala pa rin siya ng ibang taong naroroon.

Isang bagay lamang ang nakita namin sa pangyayaring iyan, likas sa puso niya ang pagiging matulungin.

Kaya nga naniniwala kami na hindi makatarungan ang patuloy na paninirang ginagawa laban sa kanya ng trolls na kung tutuusin wala namang ginagawa kundi dumakdak. Asikasuhin na lang nila ang iba nilang negosyo at tantanan na nila iyong taong gusto lang makatulong sa kapwa.

Piolo, biglang nawalan ng ingay

Uy, ano na ang balita ngayon kay Piolo Pascual?

 Wala na kaming narinig tungkol sa kanya matapos na isara ang kanyang sinamahang Sunday show. Kung sa bagay, kahit naman nasara agad iyon, malaki naman ang kinita niya, pero aywan kung bakit wala na yatang plano pagkatapos noon.
Dati may offer sa kanya ang TV5 na kung mawawala ang show nila, kukunin siya ng network. May usap-usapan din naman noon na pinagbigyan lang muna niya si direk Johnny Manahan pero eventually, babalik din siya sa ABS-CBN. Ngayon tila tahimik ang TV5 at wala na rin kaming naririnig sa ABS-CBN.
Ang umuugong pang tsismis, may kukuning isang sikat na leading man ang ABS-CBN, pero mukhang hindi naman si Piolo iyon.

Aktor, sinugod ng asawa ng karelasyong baklang pulitiko

Namutla daw ang isang male star nang lapitan siya ng isang may edad nang babae sa isang coffee shop ng isang hotel at tinanong siya nang diretsahan kung bakit may picture siyang naka-underwear lang sa cellphone ng asawa niya.

Malakas ang boses ng babae kaya narinig ng ibang mga taong naroroon. Hindi na raw sumagot ang male star na namutla, tumayo na lang at umalis.

Ang babae palang ‘yun ay asawa ng isang politician na sinasabing gay at madalas na ka-date ng male star. Aywan namin kung ano ang sasabihin ng misis ng male star basta nalaman niya ang pangyayaring iyan.

Iyon namang kanyang biyenang astig, tiyak na hindi kikibo lalo na’t nalaman kung sino ang sinasabing gay politician.

Ang mga ganyang style, hindi talaga maililihim nang matagal lalo na’t pareho nga silang kilala ng gay politician.

Kasi naman sa five star hotel pa nagkikita eh. Kung iyon pumapasok na lang sila sa maliliit na drive-in motel, gaya ng ginagawa ng isang gay matinee idol, mas mahirap silang mabuko.

 

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with