_ngayon
^

PSN Showbiz

Jake, handang makatrabaho ang mag-inang Andi at Jaclyn Jose

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jake, handang makatrabaho ang mag-inang Andi at Jaclyn Jose
Andi
STAR/ File

“Yeah why not? If the opportunity arises, pero mukhang heavy drama ‘yun kung Andi kasi the heiress of drama kasi siya before e,” sagot ni Jake Ejercito nang tanungin sa back-to-back media conference nila ni Sunshine Dizon two days ago kung handa siyang makatrabaho ang mother ng anak niyang si Ellie na si Andi Eigenmann.

Maging ang mother nitong si Jaclyn Jose ay wala raw problema at magiging karangalan pa raw  kung makakasama ito ni Jake sa trabaho dahil kilala itong mahusay na aktres.

“Oo naman. It would be an honor kasi Cannes Best Actress. Of course definitely. Tita J. The one and only,” sabi ni Jake na anak ni dating Pangulong / Mayor Joseph Estrada.

Anyway, ipinahayag din ni Jake na matagal na niyang pinaghahandaan ang kauna-unahang teleserye niya kung saan makaka-love triangle niya ang mga karakter nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

“Until now I’m still overwhelmed to be part of the show and to be amongst these brilliant talented actors. Ever since, inaaral ko na ang script namin. I just wanna get into taping. Noong nakita ko ang list ng mga makakasama sa show, parang na-check na ang lahat ng nasa checklist ko. It’s a mix of very talented, brilliant actors and actresses, veterans, and newbies like me,” aniya.

Nagpatikim din si Jake ng mga dapat abangan ng viewers sa serye. Aniya, Cedric daw ang pangalan ng karakter niya na kababata at kanang kamay ni Paulo.

“Maganda siya, it’s what viewers need now. Hindi siya typical drama, it’s lighter than usual. Maganda ang time na ito na maipalabas at mai-offer natin ito sa viewers ngayon,” banggit pa ni Jake.

JAKE EJERCITO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with