_ngayon
^
Gerald dismayado sa âfault findingâ niya!
Julia
STAR/ File

Gerald dismayado sa ‘fault finding’ niya!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - May 2, 2021 - 12:00am

Dismayado si Gerald Anderson sa sinasabi niyang “fault finding” sa mga artista, na para bang mas pinapansin kung ano man ang kanilang pagkakamali kaysa sa kanilang ginagawang tama.

Nagsimula lang naman iyang mga bagay na iyan simula nang hindi matanggap ng fans ang nangyari sa kanilang dalawa ng dati niyang girlfriend na si Bea Alonzo na sinasabing “iniwan na lang niya basta”.

Nadagdagan pa ang galit ng fans nang pilit pa nilang itinago ang katotohanan na matapos nga niyang iwanan si Bea, o maaaring hindi pa sila pormal na nag-break ni Bea kagaya nang sinasabi
noon, ay syota na niya si Julia Barretto. Kaya nga ang akusasyon ay nagkaroon ng “ghosting”.

Hindi iyan sa entertainment press nanggaling kundi kay Bea at sa fans din nila na nanggagalaiti sa galit sa social media.

Ganoon din naman kasi ang reaksiyon ng fans ni Julia, na ang karamihan naman pala ay naka-suporta lamang sa kanya dahil sa love team nila noon ni Joshua Garcia. Ang ending, mas sumikat si Joshua nang mag-solo, samantalang hindi naman maikakaila na bumaba ang popularidad ni Julia.

Hindi ba kaya nga nagkaroon sila ng damage control at may panahong binawalan pa ang mga “pra la la” ng ABS-CBN na banggitin pa sina Gerald at Julia?

Pero papaano nga ba maiiwasan iyan eh intriga?  Hindi naman siguro iyan matatawag na “fault finding”, siguro nakalimutan lang ni Gerald na kapalit ng kanilang tinatamasang popularidad bilang mga artista ay ang ­responsibilidad na sila ay ­maging role model para sa mga kabataan, kaya kung may nagagawa silang mali, pinupuna agad dahil baka iyon pa ang mapamarisan ng mga
kabataang humahanga sa kanila.

Halimbawa sinabi namin na kung hindi ka na masaya sa syota mo, iwanan mo at humanap ka ng iba. Hindi ba sasabihin din naman ng mga tao na mali ang aming sinasabi? Halimbawa sabihin namin na ok lang sa isang babae iyong kahit na walang maling ginawa sa iyo ang boyfriend mo, pero may nakita kang iba, iwanan mo. Ano ang sasabihin ng tao sa amin? Pero “fault finding” din iyon dahil pinupuna ang aming pagkakamali.

Pero ganoon talaga eh. Pinili nila ang buhay ng isang public figure, kaya talagang makikita kung  ano man ang mga maling ginagawa nila, kahit sa palagay nila tama naman, at kahit sa palagay nila walang pakialam ang sino man sa kanilang personal na buhay.

Kaya nga sinasabi, mas maganda talaga iyong nagtitinda ka na lang ng puto, o naglalako ng taho. Maski ilan ang asawa mo, walang pakialam kahit na sino. Kaya nga maski na ang Korte Suprema ay nagsabing ang mga public ­figure, kagaya ng mga artista at mga pulitiko ay “should not be onion skinned”.

Bea, nasa radyo muna

Wala nang show si Bea Binene sa telebisyon. Tapos na rin ang kontrata niya sa GMA 7, at mukhang wala pang plano sa kanya. Isinali lang siya sa isang radio program sa dzBB na naririnig minsan sa isang linggo. Pero ang sabi ni Bea, mananatili na lang muna siya sa Kamuning, wala pa naman sigurong ibang offer.

Sabi niya, kung may offers daw sa kanya, kausapin na lang ang ermat niya, o kaya padalhan siya ng e-mail.

Dati sikat din si Bea, lalo na noong magka-love team pa sila ni Jake Vargas. Pero noong mawala na si Kuya Germs, nawala na rin ang  ­malakas na back up ni Jake. Bumaba na rin ang kanyang career, at kasama sa bumagsak si Bea Binene. Kung buhay pa si Kuya Germs, siguro hindi mangyayari ang ganyan.

Noon malaki ang kita nila kahit na sa labas. Maraming kumukuha sa kanila sa mga mall show, eh ngayon wala ang mga mall show dahil bawal ang mass gathering, at sarado na rin ang ibang mga mall.

Kaya nga maski iyong sinasabi noong si Jake ang “prince of mall shows” wala na rin.

Female personality, kinakapalan na ang mukha para maramdaman ang presence

Sa totoo lang, awang-awa kami sa isang female star na hindi pa rin matanggap ang katotohanan na lumpas na ang kanyang panahon. ­

Umabot na siya sa punto na nagpaparinig na siya sa mga producer na gusto niyang makasama sa isang project na sa simula’t simula naman alam ng lahat na iba ang mga artistang considered para sa project na iyon.

Hindi naman siguro masasabing kailangang-kailangan niya ng trabaho.

Ang kailangan niya ay boost sa kanyang ego na artista pa siya at sikat pa siya.

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with