_ngayon
^
Derrick, bibida sa sexy serye
Derrick Monasterio
STAR/ File

Derrick, bibida sa sexy serye

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - May 1, 2021 - 12:00am

May isang insider ang nagkuwento sa amin, talaga nga bang nag-iisip sila ng isang sexy serye para kay Derrick Monasterio? Kung gagawin nila iyan ngayon, sapul na sapul nila ang target. Hindi natin maikakaila na naging talk of the town bigla si Derrick nang pumayag siyang mag-endorse ng underwear. Tutal nga naman matured na siya, nasa porma naman ang kanyang katawan. Bakit nga ba hindi?

Kung makikita ninyo ang comments sa social media sa kanyang pictures, biglang dami ang kanyang diehards at walang sinasabi kundi sexy nga siya.

Bakit nga naman hindi mo sasakyan iyon at pagawin siya ng isang sexy serye.
Pero ang pinag-uusapan, sexy serye iyan, hindi kagaya noong naglalabasan sa internet na beki series.

Ang dami na noon at saka baka madiskaril naman ang bulusok ng popularidad ni Derrick kung beki series ang ipagagawa sa kanya.

Director ng sitcom nina Vic at Maine, kakasuhan ang bashers

Talaga bang apektado na ang sitcom nina Vic Sotto at Maine Mendoza at parang napipikon na ang director na si Chris Martinez sa kanilang bashers na nananawagang i-boycott ang kanilang show?

May banta pa ang director na may kausap na siyang abogado laban sa bashers na itina-tag pa siya para makita niya.

Ang bashers, hindi dapat pinapansin iyan. Kahit na nga kami may bashers. Hindi nila kami mai-tag   dahil inalis namin ang tagging sa settings. Hindi rin sila makapagpadala ng messages dahil naka-set din naman sa amin na “friends only” ang maaaring mag-message. Eh di kahit na ano sabihin nila hindi na namin nalalaman.

Kung may makalusot pa sa settings, di i-block mo.

Nagsimula lang naman iyang panawagan sa boycott nang maging guest nila ang syota ni Maine na si Arjo Atayde na ang tagal na nun. Eh talagang ayaw sa kanya ng AlDub fans, na siyang majority ng supporters ni Maine. Nakita naman natin, noong manlamig ang AlDub, lumamlam din ang career ni Maine.

Ngayon, sinabi pa ni direk na gusto niya at excited siya sa guesting uli ni Arjo, kaya pinag-iinitan din siya. Pero kung hindi naman apektado ang ra­tings nila, bakit siya apektado sa panawagang i-boycott ang show.

Hindi kami nanonood ng show. Hindi dahil su­mali kami sa boycott pero nakakawalang gana iyong para ka lang nanonood ng mga taong nag-uusap sa Zoom. Kasi nga siguro hindi na nakakalabas si Vic Sotto ng bahay dahil senior citizen na rin siya. Ginagawan lang nila ng paraan.

Ok lang iyan kung sa Eat Bulaga, pero para sa isang sitcom, nakakatamad panoorin iyon.

Isa pa, totoo rin naman na noong mawala ang ABS-CBN, at wala na ngang kumpetisyon, tila tumabang na rin ang mga palabas sa GMA, kasi siguro dahil na rin sa limitasyon ng commercials dahil marami namang kumpanyang nag-permanent lockdown na rin, at siyempre bawas na kita iyon sa network. May isa ngang talent manager na nagkuwento sa amin, nagtapyas din daw nang malaki sa talent fee ang GMA.

Maraming factors eh, kaya hindi mo talaga maiiwasan kung bumaba man ang ratings, pero malaki ba talaga ang ibinaba ng ratings simula nang mag-boycott ang AlDub?

Baguhang aktor, pinagkakitaan ang sex video

Pinag-uusapan din nila ang isang newcomer na sumali sa isang contest sa isang noontime show. Dahil siguro sa wala ring makuhang trabaho, gumawa siya ng mga self sex video, kumuha ng channel sa isang paid platform at naniningil siya sa gustong manood ng kanyang video.

Nagpapadala rin naman siya ng kopya ng mga iyon sa gustong magtago ng kopya, pero mas mahal na. Pinagbabayad niya ang may gusto sa pamamagitan ng cash transfer.

Ang orientation kasi ng mga baguhang iyan, nang pumasok sila sa showbiz ay pagkaguluhan sila ng mga bading. Hindi mo masasabing artista ang mga iyan, dahil wala naman silang ginagawa para maging mga mabubuting artista. Parang gusto lamang nilang makilala at sumikat maski papaano para makatawag ng pansin ng mga bading at mat­rona.

Mayroon nga raw isa pa na galing sa talent search ng isang network na alaga na ng isang cougar.

DERRICK MONASTERIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with