^

PSN Showbiz

Mga pumipila sa community pantry, kailangan ng kooperasyon

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mga pumipila sa community pantry, kailangan ng kooperasyon

Sana naman ‘yung mga nagpupunta sa mga community pantry mag-isip din kung paano gagawin para maayos ang maging takbo nito.

‘Yung mga nakikinabang sa mga nakukuha nila na bigay ng donors, dapat din may participation para magpatuloy ang community pantry.

Maging maayos sila sa pila, huwag magkalat sa paligid ng pantry, huwag maingay para hindi magalit ang mga tao sa paligid ng village o lugar kung saan nandun ang pantry.

Sila-sila ang mag-usap para hindi makitaan ng pagkakamali na ­maging dahilan para ipasara ang mga pantry.

‘Yung mga nasa loob ng village, gaya ng nangyari sa pantry ni Angel Locsin, nagalit dahil sa ingay at gulo. Sana ‘pag nakita nila na medyo merong nasa pila na unruly, sila mismo ang sumaway.

Dapat kung gusto nilang magtuluy-tuloy ito, hindi ipasara dahil sa hindi ­maayos na sistema, sila na nakikinabang sa community pantry ang unang gumawa ng hakbang para maging tuloy tuloy ang biyaya.

Sino ba mawawalan ‘pag nagsara ang mga pantry na ito, ‘yung mga taong nakapila.

Kaya sila dapat ang unang mag-isip para hindi matapos ang grasya. Kahit tagatanggap ka lang, dapat may responsibilidad ka para sa nagbibigay.

Medyo controversial ngayon ang mga community pantry, na kahit alam natin na malaking tulong sa marami, dapat din naman sumunod sa batas at sa kautusan na ipinatutupad.

May pandemic, pero hindi ito dahilan para hindi natin sundin ang mga dapat gawin. Tulungan iyan, hindi parang bahala ka diyan. Hindi ka entitled bigyan kung keber ka naman sa mangyayari sa nagbibigay sa iyo.

Dahil nabigyan ka, dapat maki-cooperate ka para hindi malagay sa alanganin iyon nagbigay.

 Kaya maging maayos dapat lahat ng naghihintay sa community pantry.

 

vuukle comment

COMMUNITY PANTRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with