_ngayon
^
Angel, hindi puwedeng kasuhan – law professor
Angel
STAR/ File

Angel, hindi puwedeng kasuhan – law professor

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - April 27, 2021 - 12:00am

Hindi maaaring kasuhan si Angel Locsin dahil  wala siyang ginawang krimen. Ganyan ang opinion ng propesor at dean ng FEU Law, at news personality rin ng TV5 na si Atty. Mel Sta. Maria.

Sinasabi niyang walang masasabing kasalanan sa nangyari ang nag-ayos lamang ng community pantry. Hindi rin umano masasabing may naganap na isang krimen kung hindi naman mapapatunayang may kaisipang criminal.

Sa kaso ni Angel, maliwanag lamang gusto niyang makatulong sa kanyang community.

Iyan namang ba­shers na walang tigil sa banat kay Angel, kitang-kita mo ang kulay at motibo. Alam mong idinidiin nila ang red tagging na maski na mismong gobyerno naasar na, kaya nga pinatigil na sila.

Mali iyong linya eh. Papaano mong pasasamain ang isang proyektong tumutulong lang naman sa mga nangangailangan at ang batayan mo lang ay ang suspetsa mo na baka sila ay komunista.

Kaya nga pati si Mayor Joy Belmonte asar na doon sa mga nanggugulo lang sa mga tumutulong lang naman sa kanyang constituents.

Nakatanggap na raw ng report si mayor na hindi lang isa ang na-harrass, kundi inikot lahat ng community pantries. Maski nga ang presidente, ang tingin ay nakakatulong ang community pantries.

Iyan ang private sector response sa pamimigay ng ayuda na hindi naman maayos. Gusto nila ibigay sa barangay. Ilang barangay officials na nga ba ang nakasuhan dahil sa maling pagbibigay ng ayuda noon pa man?

Ngayon ipagkakatiwala ba ng pribadong sector ang ayudang ibinibigay nila sa barangay?

Huwag na ninyong pansinin iyong depensa ng ABS-CBN, dahil sasabihin nila may vested interest iyan dahil artista nila si Angel Locsin, at ipinaglaban ang kanilang nabigong pagkuha ng bagong franchise.

Ang isa pang hayagang kumampi kay Angel ay si Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin. Nagsabi ang foreign affairs secretary na wala siyang nakitang masamang ginawa ni Angel Locsin, pero pinayuhan niya ang aktres na huwag magkinig sa mga pulitiko.

Hindi rin dapat na makinig si Angel sa bashers at mali yatang dahil sa mga ganyan ay ititigil na niya kung ano man ang mabubuting ginagawa niya simula pa noong una.

Ang isa pang hindi namin matanggap ay iyong comment na gawa raw iyan ni Satanas.

May mabuting bagay ba naman na maaaring magmula sa nuno ng kasamaan?

Sunshine, Takot magtayo ng pantry

Isa pa sa mga artistang laging tumutulong, at gusto rin sanang tumulong sa community pantry ay si Sunshine Cruz.

“Alam mo naman ang mga kabataan ngayon, aware sila sa nangyaya­ring paghihirap ng iba. May nakita silang paraan para makatulong, gusto rin nila. Iyong mga anak ko ganyan eh, at sinasabi nila na marami rin daw silang friends na tutulong kung may community pantry sila.
“Pero sinabi ko agad ayoko. Kung may magtatayo ng community pantry para sa mga mahihirap dito sa amin, tutulong ako. Pero iyong ako mismo o sila ang nasa community pantry, ayoko. Nasubukan ko na kung gaano kahirap ang magkaroon ng COVID, kagagaling ko lang, kaya ayoko na muna iyong gathering ng mga tao.

“Isa pa iyong red tagging, gagawa ka na nga ng mabuti, pagbibintangan ka pa ng masama, eh di huwag na lang. Tumulong ka na lang sa mga kakilala mo, sa mga kaibigan mo, at paba­yaan mo na sila na lang. Pagbibinta­ngan ka, tapos ang kasunod sisiraan ka na sa social media. Kunsumisyon lang iyan. Basta tutulong ako, bakit nga ba hindi, pero tutulong lang ako, hindi iyong ako mismo ang gagawa noon,”  pahayag ni Sunshine.

Tama naman si Sunshine. Eddie, may babala sa mga nang-aakusa sa mga bading noon pa

Naalala ko noong araw na nabubuhay pa si Eddie Garcia. Narinig niya ang aming usapan tungkol sa mga bading sa showbiz. Ang sabi niya, “hanggang hindi ikaw mismo ang nakakakita sa tao na may isinusubong hindi dapat, hindi mo masasabing bakla iyan.”

Oo nga naman, tama si direk Eddie sa sinabi niyang iyon, kaya kung ang batayan lang ninyo ay ang pagsasalita, mga tilamsik ng kamay at hitsura ng mukha sa live videos lalo’t sinasabi niyang “hindi ako bakla,” paniwalaan na lang ninyo.

Wala naman kayong nakitang “isinusubo.”

ANGEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with