^
Dinumog, senior na nakapila sa birthday pantry na-heat stroke, Angel panay ang sorry umaming may mali sa ginawang âblowoutâ
Angel

Dinumog, senior na nakapila sa birthday pantry na-heat stroke, Angel panay ang sorry umaming may mali sa ginawang ‘blowout’

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2021 - 12:00am

Nahaluan ng lungkot ang birthday ni Angel Locsin kahapon.

Wala naman talaga siyang kasalan, pero malungkot pa rin ang Kapamilya actress sa pagpanaw ng isang senior citizen habang nakapila sa birthday community pantry na blowout niya sana.

Umamin siyang may mali siya at habambuhay daw siyang hihingi ng tawad sa pamilya ni Mang Rolando dela Cruz na 3:00 a.m. pa lang pala ay nakapila na.

Last Thursday afternoon nang i-annouce ni Angel sa kanyang social media accounts ang nasabing blowout niya. “Sa tingin ko, tama lang po na sa akin ninyo na marinig na totoo po ang balita na may inatake at namatay habang nasa pila ng community pantry. Senior citizen po sya na pumila daw po ng 3am at may naka-initan sa pila.

“Bago po ang lahat, humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po pinuntahan at nakapagusap po kami ng personal ng mga anak nya sa ospital. At habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila.

“Si tatay po ay isang masipag na ama na nagtitinda ng balut. Hindi ko man po sya nakilala pero sa pagkakakilala ko sa mga anak niya ay mabuti po syang ama at maayos nyang napalaki ang mga anak nya.

“Sa ngayon po, tinatapos na lang po namin na mabigyan ang mga nakapila. Ang iba po sa kanila ay xerox na ang order sheet nila pero nauunawaan po namin na lahat po ay hirap ngayon at tama lang po na mabigyan sila.

“Meron po kaming tinayong fast lane para sa seniors na tent na may upuan nung mapansin po namin na maraming senior citizens ang nakapila kaninang umaga.

“Pero hindi naman po ibig sabihin na ini-encou­rage po namin ang mga seniors na lumabas at alam po natin na bawal po according sa iatf rules.

“Pagkatapos po, idodonate na lang po namin ang mga natitirang goods sa ibang community panties at barangay.

“Ang nangyari po ay akin pong pagkakamali. Sana po’y wag madamay ang ibang community pantries na maganda po ang nangyari.

“Sa ngayon po, I will prioritize helping the family and I will make it my responsibility to help them get through this.

“I am very very sorry,” ang mahabang post ni Angel kahapon pagkatapos ngang kumalat sa social media ang mga pangyayari at kung gaano karami ang dumagsa.

Habang nagvi-video raw siya (‘yung ini-upload niya) ay umakyat na siya dahil ang dami ring fans na  gustong magpa-picture. “Sa mga hindi po nabigyan, hindi po mabibigyan today nais ko rin po mabigay.. magsabi ng pasensya po at gustuhin ko man pong mag-abot, I don’t think papayagan nga po ako ulit na gawin to baka ipahatid na lang po namin ito,” ang sabi pa ng actress na makikita naman talaga sa nagkalat na videos and photos na hindi sila nagkulang sa paalala sa social distancing pero ang kapal ng tao.

Mabilis namang sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na sasagutin ng City Government ang burial expenses ni Mang Rolando dela Cruz at magbibigay sila ng financial assistance sa pamilya nito.

At siguro na-overlook na nila Angel dahil wala palang naging advance coordination ang grupo nito sa local government. “We are deeply saddened by the untimely death of Mr. Rolando dela Cruz, 67 years old, who perished during a community pantry organized by actress and philanthropist Angel Locsin.

“The city government will shoulder the burial expenses of Mr. dela Cruz, and will extend financial assistance to his family.

“Advanced coordination will allow all stakeholders to be proactive, rather than reactive. Sadly, in this case, we were not advised regarding any plans, which would have surely made a difference in the outcome of today’s events.

“My dear QCitizens, let us continue to be kind and compassionate, but practice foresight while doing both,” ang bahagi ng statement ni Mayor Joy.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with