^

Babaeng personalidad, supalpal sa lalaking gustong tikman!

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2021 - 12:00am

Hindi lahat ay kayang bilhin ng salapi. Kaligayahan at katahimikan ng kalooban ang dalawang unang-unang hindi kayang tapatan nang kahit magkano. Alam na alam ‘yun ng isang pamosong female personality.

Minsan na kasi siyang sinupalpal ng kapalaran nu’ng mataypan niya ang isang sikat na lalaking personalidad sa larangang kinabibilangan nito.

Gusto niyang makarelasyon ang male personality, pero napakailap nito sa kanya, kung anu-ano na ngang paraan ang ginawa niya pero talagang hindi siya pinapansin ng sikat na personalidad.

Kuwento ng aming source, “Tandang-tanda ko pa, male-maletang branded stuff ang ipinadadala niya sa type na type niyang guy, pero sorry na lang, ipinababalik uli sa kanya.

“Natural, insultung-insulto siya sa nangyayari, gusto niyang magalit, pero wala siyang magawa dahil mahal na mahal niya talaga ang lalaki! Lalo siyang na-challenge!” unang pag-alala ng aming impormante.

Talagang hindi siya nag-aksaya ng panahon, nilapitan niya ang isang kaibigan ng male personality, pinilit niyang maimbita ito para sa isang dinner.

Patuloy ng aming source, “Kinukulit niya ang friend nu’ng guy, maya-maya niyang tinatawag-tawagan, kaya sa sobrang inis, pinakiusapan na nu’ng taong ‘yun ang male personality na pagbigyan na ang girl!

“Matagal bago sumagot ang guy, ayaw niya kasi talaga sa female personality, pero dahil sa kakukulit ng friend niya, sige na nga, pumayag na rin ang guy!

“Heto na. Naunang dumating ang girl sa pangyayamaning restaurant, naka-set ang table for two lang, para lang sa kanilang dalawa ng guy! Dumating na ang kinamamatayan niyang lalaki.

“Pero biglang napasimangot ang girl, kasi nga, nagsama ng kanyang mga katropa ang lalaki! Ang tatangkad nila! Natural, kailangan sa isang mahabang mesa sila maupong lahat!

“At ang nakakaloka pa, hindi sa tabi niya naupo ang guy, sa bandang dulo pa, sorbang magkalayo sila ng girl! Kuwentuhan-kuwentuhan, kain-kain, at maya-maya lang, e, nagpaalam na ang male personality dahil bawal daw silang mapuyat.

“Maaga raw ang practice nila kinabukasan, kailangan nilang magpahinga nang maaga, kaya naiwan ang girl sa restaurant na inis na inis!

“Tinawagan niya ang friend ng male personality, ‘Ano ba ito? He came nga, but with his teammates and friends! We didn’t have the chance to talk, ang layu-layo niya sa akin!’

“Sagot ng kausap niya, ‘Buti nga, e, pumunta pa siya dahil sa request ko! Ayaw niya talaga!’ Nalokah ang girl! Walang nagawa ang kasikatan at kadatungan niya! supalpal siya sa guy!” humahalakhak na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Julia hindi alam ang singkamas at papaya, dinuguan gustong isuka

“Lunukin mo! Lunukin mo! Huwag mong iluwa! Sayang!”

Markado ang linyang ‘yun ni Gerald Anderson sa kanyang vlog kung saan ang special guest niya ay si Julia Barretto.

Pinakain niya kasi ng street foods ang kanyang girlfriend. May isaw, balun-balunan, kwek-kwek at iba pa. siyempre, hindi gusto ni Julia ang mga pagkaing-kalye na ipinatikim sa kanya ni Gerald.

Nu’ng pinakain na ito ng dinuguan ng kanyang boyfriend ay gustong iluwa ni Julia ang pagkain, kaya ang sabi ni Gerald, “Lunukin mo! Lunukin mo! Huwag mong iluwa, sayang!”

Naghalo rin ng mga prutas si Gerald, pero ang ipinagtataka namin ay kung bakit hindi alam ni Julia kung ano ang papaya, singkamas at mais.

Unang kain daw niya ‘yun ng papaya at singkamas, sabi ni Julia, paano ba siya pinalaki ni Marjorie Barretto? Lumaki lang ba silang magkapatid na ang kinakaing prutas ay kahel, mansanas at ubas lang?

Puro prutas na pagmayaman lang? Bakit hindi niya kilala ang papaya at singkamas? Napakaraming naartehan kay Julia sa puntong ‘yun.

Hindi raw naman siya ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig, kung si Sharon Cuneta nga raw na super-yaman ay kumakain ng fishballs, anong kaartehan daw ang ipinakita ni Julia?

Lalong binash si Julia nang kantahin niya ang isang linya sa Bahay-Kubo, ang lyrics niya, “Singkamas at tuyo…” Ha! Ha! Ha! Ha!

Halatang-halata namang sanay sa mga street foods si Gerald, alam ng aktor na masarap ang singkamas kapag kinakain nang may bagoong, ang kwek-kwek at isaw ay mas sumasarap kapag isinasawsaw sa sukang may siling maanghang.

Yakap nang yakap si Julia kay Gerald kapag inaayawan niya ang ipinakakain sa kanya, halatado namang parang umiiwas ang aktor, kaya komento ng mga nakapanood ay halatang-halata raw na mas mahal ni Julia si Gerald kesa sa mahal siya ng kanyang boyfriend.

Tanong pa ni Gerald kay Julia, “What if dinuguan lang ang kaya kong ipakain sa iyo?” Sagot ng dalaga, “Rice na lang!”                                                                                            

PERSONALITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with