^
Former head ng CorpComm at ilang staff ng gma, pumanaw sa COVID-19
Butch Raquel
STAR/ File

Former head ng CorpComm at ilang staff ng gma, pumanaw sa COVID-19

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Vicky Morales sa closing spiel nila sa 24 Oras noong nakaraang Miyerkules ng gabi matapos banggitin na ang ilang kasamahan nila sa Kapuso network ay pumanaw dahil sa COVID-19.

Nagbigay-pugay din sila sa dating Head ng Corporate Communications na si Butch Raquel na matagal na ring nanilbihan sa GMA 7.

Lalo akong napaluha nang binanggit din ni Vicky ang dalawang magigiting na cameramen ng GMA 7 na sina Caloy Samaniego at Alex Ico. Sinabi nga nilang lalo nilang nami-miss ang dalawang nabanggit dahil sa madalas nilang nakakasama sa mga coverage.

Matagal nang may sakit si Sir Butch pero okay na raw sana ang kalusugan niya. Nadapuan nga siya ng COVID-19 at paga­ling na raw sana siya. Pero noong Martes ng gabi ay biglang bumaba raw ang oxygen at hindi na siya umabot sa hospital.

Bukod sa malulungkot ka ay makakaram­dam ka rin ng takot nang makita ko ang dalawang cameramen na matikas naman ang pangangatawan, pero bumigay din sa COVID-19.

Ang nakakalungkot pa rito, nag-positive na rin daw ang asawa ng isang cameraman, pati ang dalawang anak nila at ang yaya.

Hindi pa nga raw alam ng dalawang bata na pumanaw na ang kanilang ama. Kailangan silang ilipat ng lugar para makapag-quarantine at ituloy ang pag-recover.

Hindi naman daw sila pinababayaan ng GMA News and Public Affairs na nag-aasikaso sa kanila.

Nakakapanlumo talaga ang ganitong kuwento, pero halos araw-araw ay may nakakarating sa atin na ganung malulungkot na balita. Kaya minsan talaga nagtatanong ka na, kung hanggang kailan pa ito.

Kagaya nitong kilalang direktor, nagparating na raw ng mensahe ang kanyang anak na lumalaban daw sa kanyang buhay ang kanilang ama dahil sa COVID-19.

Humihingi na sila ng tulong pinansyal dahil nasa hospital pa rin daw ito sa Pampanga. Sana malagpasan ito ni direktor at gumaling na siya.

Hindi naman siguro siya pababayaan ng mga malalaking artistang nakatrabaho niya.

Sanya, sumakto sa matured actors

Sa May 1 na pala magsisimula ang Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla kasama si Sanya Lopez. Ang buong akala namin sa May 22 pa ito, pero napaaga dahil nga siguro sa hindi na nakapagbangko ng episodes ang ilang programa.

Kaya inagahan na ang pagsisimula ng comeback sa TV ni Sen. Bong Revilla.

Sabi niya sa kanyang Facebook post; “Lilipad na sa GMA ang pinakaaabangan nating AGIMAT NG AGILA sa darating na May 1, ganap na 7:15 ng gabi! Sama-sama nating salubungin ito sa pamamagitan ng biyaya at papremyo. Kaya huwag nang magpahuli at tumutok sa ating Facebook Live ngayong May 1, 5:00 pm!

“Siguraduhing tumutok kasama ang buong pamilya para sama-sama nating mapanood ang unang paglipad ng Agimat ng Agila sa GMA 7 pagkatapos ng ating Amazing Giveaway!”

Matagal na rin kasing naka-schedule ang regular na pa-giveaway ng senador sa kanyang Facebook followers, at tamang-tama naman kasabay na rin ito sa pagsisimula ng kanyang Agimat ng Agila.

Proud naman si Sen. Bong dito sa kanyang pagbabalik-TV dahil talaga namang kinarir ni direk Rico Gutierrez ang proyekto. Kaya nang masilip namin ang ilang unang episodes, nakakamangha naman lalo na ang special effects.  “Noong umpisa, aminado si Sen na nanibago siya. It took a while bago gumawa uli siya ng ganitong project, e. Sabi niya, ‘OK ba? OK ba naman?’

“After second, third take... parang nanumbalik na. Kasi, iyong first scene niya, with Sheryl Cruz. So, I think, na-warm up siya doon.”

Pinuri nga niya si Sen. Bong na ang bilis pa rin daw sa mga action scene dahil hindi naman kasi siya nagpapabaya sa pag-ensayo.

Nakakatuwa rin dahil nakitaan naman ng chemistry sina Sen. Bong at Sanya. Bumagay din si Sanya kay Gabby Concepcion sa First Yaya, okay din sila ni Sen. Bong sa Agimat ng Agila. Kaya swak talaga siya sa matured actors.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with