_ngayon
^

Sunshine, ‘di na kailangan ng kapuso!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

Magsisimula na si Sunshine Dizon ng isang teleserye sa ABS-CBN. Tiniyak din naman ng sources na isa pang Kapuso star, si Lovi Poe ang diumano’y lilipat na rin sa Mother Ignacia studios.

Tahimik lang naman ang mga taga-Kamuning at mukhang hindi naghabol o nagbigay ng ibang offer sa dalawang stars na naging bida sa kanilang teleserye.

Matindi iyan, dahil si Sunshine ang bumuhay ng afternoon slot ng GMA nang itambal nila kay Gabby Concepcion.

Kung sabagay, ang isa pa sa cast ng seryeng iyon, si Ryza Cenon ay nauna nang lumipat sa ABS-CBN, at hindi rin naman nagkahabulan.

Unahin na natin si Sunshine, hindi lamang ang serye nila ni Gabby ang napansin ng mga tao, siya ay naging bahagi rin ng isang malaking serye nilang lumaban sa primetime, iyong Encantadia. Hindi natin masasabing maliit lamang ang kontribusyon ni Sunshine sa network. Pero ganoon talaga ang telebisyon, kahit na anong galing ng isang artista, nauubusan din naman ng ideya ang creative team ng network para sa kanya, at kung magtatagal ang kanyang bakasyon, papaano naman ang kanyang ikabubuhay.

Doon naman sa kabila, may bagong ideas na maaari niyang pasukan, natural susubukan naman niya iyon. Ang question kasi lagi riyan economics eh. Iniisip ng artista kung mabubuhay ba siya kung hihintayin niya ang isang bagong proyekto sa network niya. Iyon namang network, nag-iisip kung kikita pa ba sila kung ang gagawin nilang proyekto ay kagaya rin ng mga nauna nila. Diyan nagkakahiwalay ang mga artista at ang network. Pero walang personalan iyan, trabaho lang.

Iyong mga artista naman kasi, kikita lang kung may project. Eh papaano kung matagal nang walang project, lalo pa nga ngayon na panahon ng pandemya na hindi sila masyadong kumikilos, at dahil sa limitasyon dahil sa quarantine, wala silang ibang maaaring pagkakitaan.

Ang network naman, ang igigiit siyempre, bakit naman sila gagawa nang gagawa ng proyekto na wala naman silang kasiguruhan na mailalabas nila at makakakuha ng advertising support.

Gabbi, nagpaliwanag sa kanyang community pantry

Nagsimula ng sarili niyang community pantry ang Kapuso star na si Gabbi Garcia. Hindi pa siya  napakalaking star na kumikita ng milyon sa kanyang mga ginagawa bilang artista, pero nakita niya ang magandang epekto ng mga community pantries na nagsulputan sa Quezon City, nagbigay pa ng encouragement si Mayor Joy Belmonte sa mga nagtatayo ng community pantries, at iyon ang dahilan kung bakit naisip din ni Gabbi na hindi man kalakihan, makakatulong siguro siya sa workers sa kanilang subdivision.

Mayroon namang ibang mga taong walang community pantries, na mabilis na binash si Gabbi at ang sabi ay kung hindi pa raw nauna ang mga mas mahihirap, hindi naman tutulong ang mayayaman nang tulad niya.

Maganda naman ang naging sagot ni Gabbi. Sabi niya, kahit na maliit dahil iyon lamang ang kaya niya ay nagsimula nga siyang tumulong. Sana raw iyong may mas magandang ideya, o iyong mas may kakayahan, dalawin siya sa kanyang community pantry at tumulong naman para mas marami silang masilbihan.

Lagi kasing mahaba ang mga pila sa community pantries, ibig sabihin marami na ang nagugutom na kailangan ng tulong, at ipi­nagdarasal daw niya na sana nga ay mas marami pa ang tumulong.

Fashion designer, sustentado ng pagkain ang poging bagets

“Ibang klase si Mama,” sabi ng isa naming source tungkol sa isang fa­shion designer. Sarado naman daw ang kanyang shop dahil wala namang nagpapagawa ng damit dahil wala rin namang social gatherings. Doon mismo sa harap ng kanyang shop ay nagbukas ang designer ng isang community pantry para makatulong naman.

Isang hapon, may naligaw daw na poging bagets sa community pantry, pero wala na iyong inabot kundi isang balot na instant noodles. Naawa ang fashion designer sa poging bagets.

Pinaghintay niya iyon ay binigyan ng isang bag na groceries, at tapos inabutan pa ng P1K.

Natuwa naman daw ang bagets, at ngayon araw-araw na siyang nagdadaan sa shop ng fashion designer na araw-araw din namang nagbibigay sa kanya ng ayuda at pera pa. Ganoon?

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with