^
Robi, naghahanap ng co-host
Robi
STAR/ File

Robi, naghahanap ng co-host

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2021 - 12:00am

Third season na pala ang Game KNB? sa Pinoy community platform na Kumu (@gknb) na mapapanood din nang sabay sa Jeepney TV.

Well, level up nga ang pambansang game show sa mas malaking papremyo, mas mahihirap na challenges para sa host na si Robi Domingo, at pagkakataon para sa mga gustong maging host sa bagong campaign na GKNB Mag-co-host with Robi?’

Sa pamamagitan ng pagli-livestream sa Kumu at pangongolekta ng Game KNB virtual gifts mula sa mga manonood nila, may tyansa na ang Kumunizens na maging co-host ni Robi sa loob ng dalawang lingo.

Bukod dito, ang ma­ngunguna sa leaderboard ay itatampok din bilang co-host of the week ng Game KNB? sa Kumu social TV Instagram account at magiging guest sa isang FYE Channel show at makakatanggap ng iba pang exclusive perks.

Ang iba pang makakapasok sa top 10 ay makakatanggap din ng premyo gaya ng official Kumu merchandise. Magtatapos sa April 30 (Biyernes) ang unang campaign period, habang mula May 15 hanggang May 28 naman ang ikalawang campaign period.

Samantala, paghahatian ang P10,000 cash prize ng mga qualified participants ng Pili-Pinas segment na makakasagot ng tama sa limang trivia-based questions. Automatic nang matatanggap ng mga mananalo ang premyo sa kanilang Kumu wallets.

Puwede ring manalo ang mga manonood sa Robi, Game KNB? segment sa pagsagot sa Question of the Day na manggagaling sa masa­yang challenge na gagawin ni Robi kada episode.

Kailangan lang hintayin ang ise-send na emoji ng official Game KNB Kumu account sa comments section ng stream bago i-post ang sagot sa tanong. Ang unang tao na makakasagot ng tama ay mananalo ng P10,000 Kumu coins tuwing Lunes hanggang Huwebes, habang 50,000 Kumu coins naman ang makukuha ng mananalo kada Biyernes.

ROBI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with