_ngayon
^
Anak nina Luis at Jessy, hinihintay na
Jessy at Luis
STAR/ File

Anak nina Luis at Jessy, hinihintay na

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2021 - 12:00am

“Everyday, I pray for that smile,” umpisa ng birthday message ni Jessy Mendiola sa hubby niyang si Luis Manzano.

Dagdag niya : “Happy birthday my love. Thank you for being such a blessing to all of us. You are one of the reasons why my life is so full of positi­vity and love. I’m just so happy and proud to call you my husband and I will never get tired of loving and supporting you. I thank God everyday for you. I love you, hubby. ??”

Sumagot naman ang host / comedian sa misis : “Thank you my wifey! Howhow you!”

Baby na lang ng bagong kasal ang hinihintay ng fans nila at siyempre ni Cong. Vilma Santos.

K-Pop fans mas aktibo sa mutual aid, gabbi nagtayo na rin sa subdivision ng community pantry

Uy wala pang local fans club ang naririnig kong nagpu-put up ng Community Pantry na sinimulan ni Ana Patricia Non sa Maginhawa St. in Quezon City.

Naunahan pa sila ng fans ng BTS na magkakaroon today ng media launching for LiveSmart campaign at ng fans ng EXO.

So, asan kaya ang fans ng mga local celeb natin na madalas magparamdam sa social media ‘pag nasasangkot ang mga idolo nila sa mga kontrobersiya?

‘Di ba ito ang perfect time para makatulong naman sila sa komunidad?

Anyway, sa isang Instagram post kahapon, ipinakita naman ng Kapuso star na si Gabbi Garcia ang kanilang bayanihan spirit sa pag-set up ng isang community pantry sa Parañaque City.

Inspired mula sa sunud-sunod na pag-usbong ng community pantries at carts sa iba’t ibang mga barangay, naisipan ng aktres at ng kanyang pamilya na ipagpatuloy ito para sa mga nangangailangan sa kanilang lugar.

Pero since sa subdivision sila nakatira, naka-emphasize na for the riders, security guards and construction workers ang mga laman ng nasabing pantry na may bigas at mga gulay. “Posting this with nothing but pure and good intentions. this is to inspire everyone that despite of the situation, we can all help each other in our own little way.

“thank you to our small community for making this possible! thank you also to everyone who stopped by to drop their donations. May God Bless you more!

“to all the community pantries, SALAMAT SAINYO!!! Keep going! God bless your pure hearts! Tayo tayo ang magtulungan”

More than 300 na ang community pantries sa buong bansa.

Local teleserye, puro K-drama na ang kinokopya

Napansin n’yo rin ba na lahat ng slant ng promo ng mga bagong local serye ngayon ay K-drama ang laging binabanggit nila?

Tuluyan na kayang nawala ang originality ng Pinoy culture sa mga local teleserye natin at parang copycat na lang tayo sa Korean drama?

Oo naman at maraming Pinoy ang nababaliw sa Korean dramas pero sana ay ‘wag naman lamunin nang tuluyan ang local serye natin ng impluwensiya ng mga Koreano.

LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with