^
Toni, aminadong mas ­careful kesa kay Alex
Alex at Toni
STAR/ File

Toni, aminadong mas ­careful kesa kay Alex

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2021 - 12:00am

Mahigit dalawang dekada na ngayon sa show business si Toni Gonzaga. Sa loob ng dalawampung taon ay napanatili ng aktres ang maganda niyang reputasyon sa industriya. “It was really not that easy naman when I got into the business. It took so many years I guess siguro mga eight or nine years. It was road to forever before I was able to get into the business. So ‘yung struggle na ‘yon, lagi kong binabalikan ‘yon, na ang hirap kong nakapasok and one wrong decision, one mistake, parang everything will be ruined. Sabi nila it takes 20 years to build something and it takes five seconds to ruin it,” makahulugang pahayag ni Toni.

Para sa aktres ay malaki rin ang naitulong ng pagiging introvert niya pagdating sa kanyang mga desisyon sa buhay. “Ang mga introverts kasi, they are thinkers. We don’t say much when we’re with people but there’s so much going on in here. We process so many things in our heads na before we talk, before we speak, before we make decision. Ay! Grabeng filter na ang inabot n’yo rito,” nakangiting paliwanag niya.

Palagi ring nararanasan ni Toni na maikumpara sa nakababatang kapatid na si Alex Gonzaga dahil sa pagiging extrovert naman nito. “Ang laging comparison sa amin ni Alex, “Si Toni she’s so careful. Parang she’s too fake. Bilang ang mga kilos niya.’ Gano’n talaga ako as a person. Kahit no’ng bata pa talaga ako, gano’n na talaga ako. Lagi akong nag-iisip na, ‘Oh ‘pag ginawa ko ‘to, baka ganito ang mangyari.’ Saka trait ‘yon ng isang introvert. ‘Pag may kilala kayong introvert, kausapin n’yo, gano’n talaga ang mga introvert. Ang mga extroverts, parang study now, pay later. Gagawin ko na ngayon saka ko na pagbabayaran,” paglalahad ng aktres.

Sam, natakot nang ma-COVID-19 ang inang si Sunshine

Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin makapaniwala ang pangalawang  anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano na si Sam Cruz na napabilang sa miyembro ng Gold Squad Plus. “It was very surreal because when I found out my mom just talked to me about it. Sabi niya, ‘Sam do you want to join?’ They’re as­king you to join Squad Plus?’ And I was like, ‘Is this for real? Sure.’ I was really excited kasi I’ll be able to actually work and be a part-time student at the same time. I just want to meet a lot of new people and new experiences and learn a lot of things while doing this. Until now I’m so grateful and thankful for it,” kuwento ni Sam.

Ngayon ay maayos na ang kalagayan ni Sunshine mula sa pagkakaroon ng COVID-19 kamakailan. Halos tatlong linggong naka-isolate ang aktres sa kanilang bahay, ayon kay Sam. Nakaramdam umano ng takot ang tatlong magkakapatid para sa ina noong mga panahong mayroon itong karamdaman. “We got scared because she got this from work and we didn’t know how to react at first. My mom is always there to support me and us three sisters. My mom is super strong and she’s raised us her whole life on her own as a single parent. So seeing her gone would crush me. That is probably one of my greatest fears. We were so happy and thankful to God that she’s recovered finally,” pagbabahagi ng baguhang aktres. (Reports form JCC)

TONI GONZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with