^
Celebrities sama-samang dinepensahan 'community pantries' sa red-tagging
Litrato nina Agot Isidro, Pokwang, Ramon Bautista at Alessandra de Rossi
The STAR, File; Mula sa mga Instagram accounts nina Pokwang, Ramon Bautista at Alessandra de Rossi

Celebrities sama-samang dinepensahan 'community pantries' sa red-tagging

(Philstar.com) - April 21, 2021 - 2:27pm

MANILA, Philippines — Nagkaisa ang sari-saring artista at personalidad sa showbiz para depensahan ang mga community pantries na namimigay ngayon ng libreng pagkain dahil sa kagutumang dala ng lockdowns, bagay na iniuugnay ngayon ng ilang ahensya ng gobyerno sa Communist Party of the Philippines at New People's Army (CPP-NPA).

Martes kasi nang mapilitan ang organizers ng Maginhawa Community Pantry na pansamantalang isara ang kanilang serbisyo alang-alang sa seguridad, matapos aniya ang harassment ng Quezon City Police Department (QCPD) sa kanilang organizers. 

Iniugnay din ng QCPD at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang ilang pantries sa mga rebeldeng komunista lalo na't "nagpropropaganda" raw sila kontra gobyerno. Ito'y kahit wala namang baril ang mga organizers at hindi rin iligal maglabas ng saloobin pagdating sa COVID-19 pandemic response ng gobyerno.

"So pati pagtulong, ire-red tag? Mapapakain nyo ba lahat nang nakapila dyan? Wala nga kayong mga plano, mamasamain ninyo pa ang pag-tulong?" ani Agot Isidro kahapon, na dati nang kilala para sa kanyang opinyong pulitikal.

 

 

"Dios ko po nakakatakot na tumulong na re red tag agaaadd!" wika ni Pokwang kahapon, na mas kilala sa pangalang Marietta Subong sa totong buhay.

 

 

Tila binanatan naman ni Alessandra de Rossi si Pangulong Rodrigo Duterte, habang sinasabing ginagawa ang mga panggigipit dahil "hindi niya ideya" ang mga community pantry na namimigay ng libreng pagkain.

Aniya, nanggaling na rin daw siya sa parehong sitwasyon kaya naiintindihan niya ang pinagdaraanan ng organizer na si Ana Patrica Non.

 

 

Wika naman ng komedyanteng si Ramon Bautista, hindi dapat sinisikil ang mga community pantry lalo na't wala naman itong ginagawang masama.

Biro naman ng ex-"Pinoy Big Brother" housemate na si Dione Monsanto, tila binibigyan lang ng gobyerno ng problema ang mga solusyong ibinibigay ng mgba aktibista at concern citizens sa gitna ng mabagal na pandemic response.

 

 

Ilang Pinoy celebs naman ang direktang tumulong sa pagtatayo ng community pantry sa kanilang lugar, gaya na lang ni Gabby Garcia sa Lungsod ng Paranauqe.

"[T]his is to inspire everyone that despite of the situation, we can all help each other in our own little way," ani Gabbi.

"[T]o all the community pantries, SALAMAT SAINYO!!! Keep going! God bless your pure hearts! Tayo tayo ang magtulungan."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Gabbi Garcia ? (@gabbi)

 

Kakulangan ng ayuda

Ika-19 ng Abril nang sabihin ng Department of the Interior and Local Government na nasa 40% pa lang ng ayuda ang naibibigay ng gobyerno sa mga benepisyaryo nito sa Metro Manila ilang linggo matapos ipatupad ang pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ), dahilan para hindi makapasok ng trabaho ang milyun-milyong katao.

Nangyayari ang lahat ng panggigipit sa community pantries kahit na "pinupuri" ito ng Malacañang. Humingi naman ng paumanhin si QCPD director Brig. Gen. Antonio Yarra kay Non dahil sa panre-red-tag na ginawa sa efforts nina non at tiniyak ang kanyang kaligtasan.

Una na ring tiniyak ni Quezon City Joy Belmonte na mananatiling ligtas ang mga organizers at beneficiaries ng pantries lalo na't sinusuportahan niya ang Bayanihang ito na umaabot na sa 70 sa kanilang lungsod pa lang. Sinasabing nag-resume na uli ng operasyon ang pantry sa Maginhawa street sa ngayon. — James Relativo

AGOT ISIDRO ALESSANDRA DE ROSSI COMMUNITY PANTRY GABBI GARCIA LOCKDOWN NOVEL CORONAVIRUS NTF-ELCAC PHILIPPINE NATIONAL POLICE POKWANG RED-TAGGING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with