^
Coco, pinipilit mag-senador ni Sen. Lapid; macho actor at babaero, tumikim din ng boylet!
Sen. Lito at Coco
STAR/ File

Coco, pinipilit mag-senador ni Sen. Lapid; macho actor at babaero, tumikim din ng boylet!

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2021 - 12:00am

Trying his best pala si Sen. Lito Lapid na kumbinsihin ang Kapamilya actor na si Coco Martin na kumandidatong senador sa 2022. Ayon sa source ng Take It… Per Minute, Me Ganun!, to date parang nasi-sway na diumano si Coco na subukan ang pulitika sa pangako ni Sen. Lito na mananalo ito sa election next year.

Hmmm. Ma-convince kaya si Coco na sumabak sa pulitika ng kanyang itinuturing na mentor?

Anyway, isa lang ‘yan sa mga chikang pinag-usapan kahapon sa episode 94 ng No. 1 digital talk show ng Pilipino Star NGAYON sa Facebook page and YouTube hosted by Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu.

Isa pang pinag-chikahan ang tungkol sa mga artistang nawalan ng contract at hindi na diumano ni-renew ng GMA 7.

Aside from Sunshine Dizon and Lovi Poe, kasama pala sa nawalan na ng contract at pinayagang mag-explore sa ibang network ay si Bea Binene na matagal ding inalagaan ng GMA 7.

In all fairness, binigay lahat ng suporta ng network sa kanya pero parang hindi pa rin naka-take off nang bongga ang career nito.

Wala pang naririnig na statement sa Kapuso star na minsan ding nadawit ang pangalan kay Atty. Ferdie Topacio.

At si Amy Austria pala, walang planong bumalik sa trabaho habang may pandemya.

Ayon sa manager niyang si Nay Lolit, mas gusto pang gumawa ng tinapa sa kanyang farm sa Batangas ng mahusay na aktres.

Isa pa ring tumanggi sa lock-in ay si Mayor Lani Mercado. Gaganap sana pala itong ina sa gagawing teleserye ni Alden Richards.

Nauna na ring nag-decline sa lock-in si Derek Ramsay para sana sa teleserye niya with Max Collins and Carla Abellana.

At marami rin palang mga teleserye na nade-delay ngayon ang taping dahil ayaw na rin ng mga hotel na tumanggap ng mga naka-lock in dahil nga nagkakaroon ng hawaan sa virus kaya raw talagang may mga taping na hold muna at sa June na uli babalik sa lock-in.

Samantala, blind items naman ang sobrang inaabangan sa TIPMMG ng loyal viewers nito.

Kaya naman kanya-kanyang hula ang live viewers kahapon tungkol sa isang veteran actor na nahagip pala ang isang young actor nang mag-judge ito sa isang talent search.

Maraming nagulat dahil kilalang macho ang actor at babaero pa, pero tumikim din pala ng boylet.

Eh kasi pala itong si veteran actor, sa mga bading nag-umpisa kaya siguro raw ayon kina Nay Cristy and Nay Lolit hinanap na rin ng katawan ng veteran actor ang bading or baka nahawa na rin ng kabadingan kaya naging bading na rin ang pakiramdam.

Isa pang mainit na blind item kahapon ni Mr. Fu ang tungkol sa dalawang news personalities.

Wow, ‘yung news personality number 1 pala ay nakaroon ng quickie affair sa isang sexy actor noon.

Yup, you read it right, ayon sa source ng TIPMMG.

Habang si news personality number 2 naman ay nag-disguise habang nagka-casino kasama ang mga high roller player.

Well, maraming nakahula tungkol sa nasabing dalawang news personalities na may kakaibang katauhan.

Hahaha.

Talagang maiinit na chika at intriga ang pinag-usapan sa TIPMMG kahapon kaya naman tutok ang mga kababayan natin sa abroad at local viewers na lagi-laging nagpupuyat (ang mga nasa abroad) para mapanood ang programa nina Manay Lolit, Manay Cristy and Mr. Fu.

Kaya sa mga hindi nakaabot ng live kahapon, maki-Team Replay na sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa, Showbiz NGAYON and Latest Chika at YouTube channel din ng PSN.

Major sponsors kahapon ng episode 94 ang Beautederm ni Ms. Rhei Tan and Calcium Cee.

2022
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with