^
Mga nabakunahan, parami nang parami
Mayor Joy
STAR/ File

Mga nabakunahan, parami nang parami

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2021 - 12:00am

Naku, Salve, ha, ang dami na talagang nagkaroon ng vaccine kaya naman sure akong malapit nang mawala ang COVID-19 scare.

Tuwang-tuwa si Tonton Gutierrez na nabigyan na ng bakuna ang mother niyang si Liza Lorena. Ganundin si Ka Tunying Taberna, may bakuna na rin at sina Ricky Lo at Nestor Cuartero.

Naku, hindi na ako sinasagot sa phone ng barangay captain namin dahil siguro nagalit na nang tawagan ako para sa bakuna, hindi ako nakapunta dahil nga parang na-harass ako na right away dapat akong pumunta sa Lagro School eh hindi pa ako nakaligo at mag-aayos pa ako. Wala rin akong driver, eh baka walang tricycle papunta sa Lagro.

Now, nagko-call ako sa phone ni Kapitan, ini-snob na niya ako, huh huh huh.

Talagang ‘yung sa GMA 7 at kay Dra. Vicki Belo na lang ang pag-asa ko sa bakuna.

‘Katuwa naman na madali ang procedure ng pagpapabakuna, plus iyon talagang gusto ng tao na bakunahan sila.

Ray of hope na marinig mo na marami nang may depensa sa COVID-19. Saka talagang dapat lang maniwala tayo na ginagawa naman ng gobyerno ang lahat para sa ating safety.

Gusto ko ngang purihin ang garbage collection  sa Quezon City ha, talagang regular na kinukuha ang mga basura para na rin nga siguro luminis ang paligid at isa rin itong paraan para makaiwas tayo sa virus.

Talagang grabe ang pagbabantay ni Mayor Joy Belmonte sa QC, lahat ginagawa niya para sa napakaraming mamamayan ng lungsod.

Ang hirap siguro talaga maging mayor lalo na sa panahong ito.

Mabuti na lang isang hardworking Mayor Joy Belmonte meron ang Quezon City.

Ay naku, talagang liligawan ko na ang barangay captain namin na huwag nang magalit sa akin, para sagutin na niya ako sa phone. Or else kakandidato akong barangay captain, hahahaha.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with