^

Mga community pantry, pinupulitika ng mga epal

Jun Nardo (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2021 - 12:00am

Ngayong nagsusulputang parang kabute ang community pantry sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at mga probinsiya, unti-unti na ring sumusulpot ang mga epal, huh!

Siyempre, talk of the town nga­yon ang community pantry, kaya kailangang sumali rin ng mga epal sa picture!

Nakakalungkot dahil sa halip na suportahan eh, ginagawan pa ng kuwento.

Dingdong, may bagong pakulo sa delivery app

Swak na swak talaga sina Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang partner sa buhay.

Pormal nang inilunsad ni Dingdong ang kanyang delivery application. Bilang tulong ito ni Dong sa mga delivery rider upang magkaroon ng disenteng hanapbuhay lalo na sa nawalan ng trabaho sa entertainment industry.

Of course, nagbubunyi si Yan sa proyektong ito ng asawa. Damang-dama kasi niya sa asawa ang malasakit sa mga taong kailangan ng trabaho sa panahon ng pandemya.

“Couldn’t be more proud of you as you launch your latest venture, @dingdongph!

“May you continue to inspire everyone around you. Congratulations, Mahal ko. I love you! #You­RingtItWeBringIt,” caption ni Marian sa litrato ni Dingdong sa kanyang Instagram.

Tugon naman ni Dong, “Thank you, love, for being my inspiration and my rock.

“Excited for things ahead para sa iyong baby na @floravidabymarian at sa @dingdongph. Hanggang sa larangang ito… magparter tayo.”

Minsan nang nag-deliver ni Dong sa flower business ni Marian kaya madalas na ito niyang gawin though his latest venture!

DINGDONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with