^

PSN Showbiz

Usapang sports at pag-ibig, meron din sa FYE mga plantito at plantita, magsasama-sama sa let’s plant happyness

Pilipino Star Ngayon
Usapang sports at pag-ibig, meron din sa FYE mga plantito at plantita, magsasama-sama sa letâs plant happyness
DJ Cha-Cha
STAR/ File

Usapang urban gardening na siguradong patok sa mga plantito at plantitang Pinoy ang tampok sa pinakabagong pampa-goodvibes na programa ng FYE Channel na Let’s Plant Happyness.

Napapanood na sa Pinoy community app na kumu tuwing Sabado, 9 a.m.,  ang Let’s Plant Happyness ay pinangungunahan ng Plant Happyness owner na si Leah Tinoco na nagbabahagi ng kanyang mga kaalaman at tips sa paghahalaman na tiyak na ikakatuwa ng mga manonood.

Samantala, kagigiliwan naman ng sports fans ang bagong online show na Game, Set, Match kasama ang sportscaster na si Migs Bustos na napapanood na tuwing Biyernes, 7:30 p.m. sa Kumu. Kaabang-abang ang mga palaban na kuwentuhang pang-sports ni Migs kasama ang mga nakatakdang bisita na Pinoy athletes at iba pang kilalang sports personalities.

May usapang pag-ibig ding hatid ang FYE Channel sa pamamagitan ng Chacha Tonight na napapanood tuwing Linggo, 6 p.m. Pinangungunahan ng paboritong radio personality na si DJ Chacha ang programa na tumututok sa usapang relasyon at nagbibigay ng mga payo para sa mga manonood na may kinakaharap na problema sa puso.

Abangan ang iba’t ibang inspirasyon tungkol sa pagtatanim, sports at pag-ibig mula sa mga bagong handog na livestream ng FYE Channel. Magdownload na ng Kumu app at sundan ang FYE channel @fyec.

PLANT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user