^
Julie Anne laging handang ma-in love, David game sa hubaran
David at Julie Anne

Julie Anne laging handang ma-in love, David game sa hubaran

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

Very Korean drama ang approach ng Heartful Cafe ng GMA 7 starring Julie Anne San Jose, David  Licauco and Edgar Allan Guzman.

At malaking bagay na very Oppa ang looks ni David.

Originally ay sa GTV ito ipalalabas pero nag-decide ang GMA na ilagay ito sa primetime ng Kapuso Network.

In all fairness, nagti-trending agad kasi sila David and Julie Anne hindi pa man ito umeere. “Actually, nakakagulat talaga. At nakaka-surprise na tanggap ng tao ang tandem namin ni David.

“‘Di ko alam ang secret formula, pero tulad nga ng sinabi ni Direk, ‘yung trust with each other at doon siguro nagre-reflect ang chemistry,” sabi ni Julie Anne.

Si David naman ay gulat na lahat ng moves niya about Julie ay inaabangan ng fans.

“Nung una akala ko lahat ng mga nagiging leading man ni Julie Anne ganun ang reaction ng fans niya. Pero sabi niya na ngayon lang din kinilig ang fans niya,” sagot naman ng young actor.

Naging open naman si David na noon pa niya crush si Julie Anne kaya hindi na siya nagkaroon ng major adjustments during the lock-in taping na nag-start nang tanungin siya sa isang interview kung sino ang gusto niyang maka-loveteam.

So may chance kaya na mag-level up sila? “Tingnan natin,” sagot ni David.

Si Julie Anne naman ay kinikilig lalo na ‘pag nagkukulitan sila ni David sa Twitter.

Pero thankful sila na kinikilig na agad ang follo­wers nila.

At nang tanungin naman ang Kapuso singer / actress kung game na ba siyang ma-in love, lagi naman daw siyang ready pero happy siya sa pagiging single.

Wala siyang particular na ideal man at bonus na lang daw ang looks if ever.

“Gusto ko lang naman yung rerespetuhin ako at ang pamilya ko at hindi ako lolokohin. Kung sino na lang ibigay sa akin ni Lord,” say ni Julie Anne sa virtual media conference kahapon.

Samantala, si David naman ay walang naging issue sa mga topless scenes. Na pag sinabing maghubad, hubad daw naman siya dahil part ng kuwento ang pagpapakita niya ng abs.

Kaya naman kahit nasa lock-in taping, everyday talaga siya nagwo-work out.

Si Edgar Allan Guzman naman ay sinabing ready na makipagsabayan sa pag­huhubad ni David lalo na nga’t nakikita ni EA na handang matuto si David.

Episodic ang presentation kaya iba’t iba ang magiging kuwento ng Heartful Cafe.

Anyway, mapapanood ito beginning next week after First Yaya.

JULIE ANNE SAN JOSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with