^
Alexa, pang-K-drama ang atake sa initâ¦
Alexa

Alexa, pang-K-drama ang atake sa init…

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

Kagabi ay nagsimula na ang teleser­yeng Init Sa Magdamag na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, JM de Guzman at Yam Concepcion. Kabilang din sa naturang programa si Alexa Ilacad at ang bagong katambal na si Gab Lagman. Ayon kay Alexa ay maihahalintulad niya sa isang Korean o K-drama ang kuwento ng kanilang mga karakter ng aktor bilang sina Hanna at Kiko. “Sa kuwento namin as lovers, their story really amuses me, very K-drama-ish for me. ‘Yon ‘yung take ko sa kanya. Ang ganda ng kuwento nila kasi ‘yung love na in-express nila as you watch it, it’s very unconditional love. Second layer kami rito, kami ‘yung a bit lighter, more on kilig factor,” pagbabahagi ni Alexa.

Baguhan pa lamang sa show business si Gab kaya masayang-masaya ang aktor na makapareha si Alexa. Ayon sa binata ay talagang inaalalayan siya ng aktres sa kanilang mga eksenang ginagawa. “Siya ‘yung unang nag-approach sa ‘kin which I really appreciate it. Kapag ‘di ko kilala ‘yung isang tao, nahihiya ako. ‘Yung sa kanya, sobrang nabaitan ako sa kanya at sobrang bait ni Alex,” pahayag ni Gab.

Umaasa ang aktor na tatangkilikin din ng mga tagahanga ang bago nilang tambalan ni Alexa. “I really appreciate it na na-partner sa akin si Alexa. I hope mag-work ‘yung chemistry namin na makikita n’yo sa show,” pagtatapos ng aktor.

Jhong, sinakripisyo ang trabaho

Nagpasyang tumigil muna si Jhong Hilario sa pagtatrabaho sa telebisyon mula nang manganak asawang si Maia Azores kamakailan. Isa ang aktor sa hosts ng It’s Showtime at isa rin ngayon sa contestants para sa bagong season ng Your Face Sounds Familiar.

Ang pagkakaroon ng pandemya ang pangunahing dahilan kaya kinailangang iwanan munang pansamantala ng aktor ang telebisyon. Mag-iisang buwang gulang pa lang ang anak na si Sarina kaya ibayong pag-iingat ang kailangang gawin ni Jhong.

Malaki ang pasasalamat ng aktor dahil naunawaan naman siya ng pamunuan ng Kapamilya network. “Gusto kong pasalamatan ang ABS-CBN management, ang Your Face Sounds Familiar family dahil sa pag-intindi nila no’ng nagpaalam ako sa kanila,” nakangiting pahayag ni Jhong.

Suportado rin ng host na si Luis Manzano ang naging desisyon ni Jhong para sa bagong yugto ng buhay nito bilang isang ama. Reports from JCC

ALEXA ILACAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with