^

Aktres binibitbit sa taping ang gulo ng utak ‘pag may problema sa lovelife

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

Markado na sa beteranang aktres

Totoong-totoo sa kanyang sarili ang isang bete­ranang aktres. Sa kanyang edad at posisyon nga­yon na sobra pa sa sapat ang kanyang napatunayan sa pagiging artista ay meron siyang karapatang pumuna ng mga personalidad na hindi kumikilos nang maayos.

Sangdamakmak na ang nakatrabaho niyang artista, naging kaibigan niya ang karamihan, pero meron din siyang minamarkahan dahil sa hindi kagandahan ng ugali.

Kuwento ng aming source, “May mga baguhang artista kasi na kulang sa respeto, kapos sa paalala, walang nagpapayo sa kanila na dapat nilang respetuhin ang mga beteranong artista.

“Sa edad na edad na lang ba naman, hindi pa ba ‘yun sapat para magbigay-pugay sila sa mga kasamahan nilang veteran stars sa set? May mga artistang ganu’n, sa totoo lang!” unang hirit ng aming impormante.

Markado sa grupo ng mga beteranong artista ang isang maganda at mahusay umarteng aktres. May sariling mundo raw ito.

Patuloy ng aming source, “Hindi raw naman naka-shades ang girl, tirik naman ang araw at hindi gabi ‘yun, pero kung bakit parang walang nakikita ang girl!

“Lalo na raw kapag magulo ang takbo ng lovelife niya, parang walang pakialam ang girl na dinadaan-daanan lang ang mga co-stars niya, pati siyempre ang mga veteran stars!

“Kahit kapag break nila, e, hindi siya nakikihalubilo sa mga kapwa niya artista, nakakulong lang siya sa tent, kung anu-ano lang ang kinukulatingting niya hanggang sa mag-start na uli ang work. Minsan, e, binati niya ang veteran actress, shock siyempre ang lolah!

“Tinanong siya, ‘Ano ang kinain mo kanina bago ka nag-report sa location?’ Nag-isip ang girl, ang sabi niya, ‘Sinangag po, saka Spanish sardines.’

Sabi ng beteranang aktres, ‘Naku, iha, ‘yun palagi ang kakainin mo bago ka magtrabaho para maganda ang mood mo!’ Di ba naman, sarkastiko ang lolah natin?

“Natawa lang ang girl, parang hindi niya nakuha ang ibig sabihin ng veteran star, dahil nu’ng mga sumunod na araw ng taping, e, bad hair day na naman ang feeling niya!

“Alam na ng mga beteranong artista kapag ang magandang girl ang kasama nila, hindi sila nauunang bumati, pinapanis lang nila ang laway nila! Mahirap na nga naman, baka isnabin lang sila!

“Consistent naman kasi ang ugali ng magandang girl na ‘yun! May sarili siyang mundo, wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya!

“’Yun nga siguro ang dahilan kung bakit wala rin siyang nagtatagal na karelasyon!” nakataas pa ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Ted, nakabalik na sa studio

Balik-studio na sina Ted Failon at DJ Cha-Cha kahapon sa kanilang prog­ra­ma sa Radyo 5 at TV5. Nakapaninibago, sabi ng magaling na broadcaster, dahil tatlong linggo rin siyang nag-work from home.

Pero iba pa rin kapag nasa studio ang mga anchors, walang problema sa internet, tuluy-tuloy lang ang kanilang trabaho. Maraming abala kapag sa bahay lang ang pagsahimpapawid, paputul-putol ang komunikasyon, dahil sa signal at internet.

“Malaking comfort ang pagtatrabaho lang sa bahay, hindi ka na bibiyahe, kahit ano ang isuot mo, okey lang! Pero mahirap din dahil sa internet, nagha-hang, nawawala ka sa ere, iba pa rin ang work sa studio,” pahayag ng mahusay na broadcaster.

Hindi niya napakinabangan ang kanyang birthday leave at ang bakasyon nu’ng Mahal Na Araw dahil nagpositibo siya sa virus. Makaka-bonding na sana niya ang kanyang mga anak at apo pero napurnada pa ang pagkakataon.

“Sayang nga, nasa bahay nga ako, pero naka-qua­rantine naman. Hindi makalapit ang mga anak at apo ko. Babawi na lang kami sa susunod kapag maayos na ang panahon,” natatawang sabi ni Kuyang Ted.

Pareho lang sila ni Raffy Tulfo na pagkatapos nang dalawang linggong pagtatrabaho lang sa bahay ay nagbalik-studio na rin. Pero patuloy pa rin ang kanilang pag-iingat.

At maingat din ang network sa kanilang mga nasasakupan, mabilis ang kanilang aksiyon kapag may tinatamaan ng virus, nagpadala na rin ng mensahe ang TV5 tungkol sa pagbibigay nila ng libreng bakuna.

Nakakapanglumo ang mga nagaganap ngayon, ubos na ang dasal ng mga kababayan natin para maglaho na ang salot, pero sa halip na mawala ay tumataas pa ang bilang ng mga kababayan nating nagkakasakit at pumapanaw.

Laganap ang kahirapan. Kung puwede lang na dakut-dakot na bigas na lang ang bilhin ng mga kababayan nating nawalan ng trabaho at nagdarahop, sa kawalan na ng pag-asa ay milyon na ang tinatamaan ng depresyon.

Pero totoong-totoo na sa kabila ng lahat ay may panglaban pa rin tayo. Kasabay ng pag-iingat ang pagdarasal. Hindi man natin nakikita ang ating kalaban ay may isang Diyos din na hindi man natin nakikita nang harapan ay patuloy pa ring gumagabay sa atin.

 

ACTRESS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with