^

PSN Showbiz

Sunshine, Kapamilya na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sunshine, Kapamilya na!
Sunshine

Lumitaw na ang pangalan ni Sunshine Dizon na isa sa mga Kapuso actress na  lilipat sa bakuran ng Kapamilya channel.

Lumabas na nga ang balitang dumalo na raw ang aktres sa story conference ng bagong programang gagawin ng Kapamilya network, kasama raw sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Marami ang nag-react sa desisyon na iyon ni Sunshine dahil hindi naman daw siya pinabayaan ng GMA 7 at hindi naman siya nawawalan ng programa. Pero napag-alaman naming hindi na pala na-renew si Sunshine sa GMA 7, kaya puwede naman siyang gumawa ng programa kahit saang istasyon.

Ewan ko lang kung may kontrata na siyang pinirmahan sa Kapamilya network.

John Lloyd at Derek, nagkaharap

Since, hindi na nga matutuloy si Derek Ramsay sa drama series na gagawin niya sa GMA 7, ang isa sa inaasikaso na pala nila ngayon ay ang paghahanda sa kasal nila ni Ellen Adarna. Hindi lang nagbigay ang Kapuso actor ng detalye sa wedding plans, pero nag-a-apply na raw sila ng marriage license. “Ang dami naming oras dito, nagpaplano na kami. Kumuha na nga kami ng application for marriage license. Slowly, pinaplano na namin,” pakli ni Derek nang makapanayam ito ni Morly Alinio sa kanyang radio program sa DZRH noong nakaraang Linggo ng gabi.

Maaaring ito na talaga ang naka­tadhana dahil nag-e-enjoy lang daw sila sa kanilang relasyon at wala naman daw silang pinaplano o napapag-usapan. Pero minsan lang daw sa isa nilang pag-uusap, nabanggit daw ni Ellen na nakikita raw niya ang kanyang future kay Derek. “Talagang nag-uusap lang kami. Mahilig kami magkuwentuhan, tapos lumabas na lang ‘yung pagpapakasal. Bakit natin napapag-usapan to eh pareho naman tayong uncomfor­table with that framework, ‘yung marriage.

“Tapos ayun nasabi ko sa kanya, and then she told me that she sees a future with me. So, ayun na. Walang convincing, walang ano, talagang naramdaman namin,” saad ni Derek.

Sa kanya na nga raw nakatira ngayon si Ellen, kasama ang anak nitong si Elias, at masaya raw sila sa kanilang pamilya. “Dito nakatira si Ellen. Kasi, dapat mag-umpisa na sila ng taping, hindi na siya punta ng Cebu. Pero dito siya muna habang hinihintay ang show nila ni John (Estrada), magla-lock in din sila eh,” sagot niya sa tanong ni Morly kung nagli-live in na nga sila.

Pagdating kay Elias ay wala raw problema sa oras na ibinibigay ni Ellen kay John Lloyd Cruz. Personal daw na sinusundo ni Lloydie ang kanyang anak, at minsan nga ay nagkita raw sila at nagkausap. “Nagkita nga kami ni John Lloyd one time. Kinungratuleyt nga kami ni John Lloyd. So, very active naman siya. Siya nga ang pumupunta dito, sinusundo niya si Elias ‘pag time ni Elias sa kanya. Siya rin minsan naghahatid sa kanya. So, wala naman kaming problema ni John Lloyd,” saad ni Derek.

Nagkataon lang daw na gising na siya nang sumundo si John Lloyd, kaya lumabas siya para batiin naman ang aktor. “Timing eh. Maaga siya sumundo, gising na ako. Nakita ko siya sa labas. Lumabas naman ako para bumati din. Bati siya, sabi niya congratulations,” dagdag niyang kuwento.

 Vice Ganda, idedemanda ang mga vlogger na todo sa pang-ookray

Walang post at hindi na nagsalita si Vice Ganda sa ginawang pang-ookray sa kanya ng vloggers na sina Gabo at Buknoy Glamurrr. Pero mukhang may balak siyang kasuhan ang mga ito dahil sa offensive na mga sinabi at kung paano siya pinaglaruan pati si Awra Briguela at nadamay pa si Ion Perez. Galit na galit ang netizens, at lumaki na nga ito dahil kay Vice Ganda na hindi naman pumapatol sa kanila.

Si Awra lang kasi talaga ang gusto nilang okrayin, na matagal nang nakakabangayan ni Buknoy.

Pero hindi naman nila napanindigan at kinondena rin ito ng manager nila na Star Image Artist Management.

Nag-live sila sa Facebook at sa TikTok na kung saan doon ay humihingi ng public apology sina Buknoy at Gabo, at pinagalitan pa sila roon ng dalawa nilang manager na sina David Cabawatan at Vince Apostol.

Nakita ko rin sa TikTok ni Awra na sinabi niyang nag-apologize na nga raw sa kanya sina Buknoy at Gabo at ipinarating daw niya ito kay Vice Ganda. Sinabi lang daw sa kanya ni Vice Ganda na chill lang siya, hayaan na lang, pero kinokonsulta na raw niya ang kanyang abogado.

SUNSHINE DIZON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with