^
Derek takot pang magtrabaho, umayaw sa serye ala-Marian
Derek at Ellen
STAR/ File

Derek takot pang magtrabaho, umayaw sa serye ala-Marian

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2021 - 12:00am

Confirmed na hindi na gagawin ni Derek Ramsay ang To Have and To Hold with Max Collins and Carla Abellana.

Ayon sa source, worried kasi si Derek sa sobrang surge ng COVID cases everyday kaya nag-decide diumano itong ‘wag munang tumanggap ng trabaho habang pabagu-bago rin ang quarantine classification na pinatutupad dahil nga sa pagdami pa rin ng daily positive cases kahit may mga naturukan na.

May mga fear din daw ang actor sa lock-in taping.

Hmmm, saka parang awkward din na bestfriend ni Andrea Torres si Max tapos kasama sa lock-in ni Derek.

Anyway, by choice naman talaga ang work ngayon or pagiging jobless. Walang pilitan dahil sa health crisis.

Like Marian Rivera na tinanggihang gawin ang First Yaya dahil mas prio­rity niya ang safety ng pamilya.

Mas tama naman na nasa safe side ka parati dahil mas important sa kasalukuyan na healthy ka.

Besides sa case nina Marian and Derek, stable ang financial status nila kaya may option sila not to work and stay at home lang habang may pan­demya.

Less anxiety din lalo na nga’t si Marian ay abala naman sa kanyang Flora Vida by Marian at sa pag-aalaga kina Dingdong, Zia and Ziggy.

Si Derek naman ay may Ellen, Austin and Elias na kasama na niya sa bahay sa kasalukuyan.

By the way, kabilang din sa nag-decide na maging jobless ngayong pandemic ay si Alessandra de Rossi.

Jhong, umatras na sa your face...

Dahil pa rin sa pandemya, nag-decide si Jhong Hilario na umatras na sa Your Face Sounds Familiar.

Ang binigay niyang rason ay para sa safety din ng bagong baby nila ni Maia Azores na si Sarina.

“Nakakalungkot na sabihin ito sa inyong lahat, kailangan ko po munang magpaalam sa Your Face Sounds Familiar. Meron kasing bata. Eh ang bata kapag may nararamdaman, hindi nakakapagsalita,” sabi ng It’s Showtime host.

Aniya, pinag-isipan niya ito at hindi naging madali ang lahat. “Gusto kong malaman niya paglaki, kaya ko ginawa iyon kasi mahal na mahal ko siya,” paliwanag pa niya na dalawang beses nang nanalo sa YFSF.

Ayon naman kay Luis Manzano na host ng programa sa sikat na sample king (Jhong) “May bagong chapter na dumating sa buhay mo at naiintindihan namin na mayroong bagong responsibilidad na kaakibat yan. Always family first,” pahayag naman ng bagong kasal na si Luis.

Sayang, ang husay ni Jhong. Nung in-impersonate niya sina Apl.de.Ap at Vhong Navarro, sabog ang mga nanood sa kanya.

Nakuha ni Jhong ang pinakamara­ming boto mula sa mga jury na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid at Sharon Cuneta, at maging sa kanyang mga kakumpetisyon dahil sa kanyang saktong panggagaya sa Black Eyed Peas rapper na si Apl.de.ap.

And by the way, 10,098 ang new COVID-19 cases yesterday na reported by DOH.

DEREK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with