^
Community pantry, nagkaroon ng domino effect

Community pantry, nagkaroon ng domino effect

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2021 - 12:00am

Wow, nagkaroon ng domino effect ang Maginhawa Community Pantry.

Parang all over Metro na ito, at umabot na hanggang probinsiya.

Marami na ring nagbibigay at maraming pumipila na nangangailangan.

Tagline ng community pantry ang ‘magbigay ayon sa kakayanan, kumuha ayon sa pangangailangan.’

Ang idea ay magbibigay ang mga may kakayanang mag-share para naman sa mga kinakapos.

Nag-start ito sa isang bamboo cart na may fresh veggies at ayun na dumami na ang nagbibigay hanggang nagkaroon na rin sa maraming area.

Saludo sa nag-umpisa nitong batang entrepreneur na si Ana Patricia Non na sinabi sa isang interview na hindi ito charity kundi isang mutual aid.

Wala pa akong celebrity na nakikitang nakiki-join sa proyektong ito na mas may katuturan naman kesa sa mag-post sila ng mga bikini photos o mag-promote ng mga social media accounts nila kung saan sila kumikita.

PANTRY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with