^
Paolo, matagal nang gustong makatrabaho si Heart
Paolo
STAR/ File

Paolo, matagal nang gustong makatrabaho si Heart

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2021 - 12:00am

Mabuti naman at kasama pala si Paolo Contis sa I Left My Heart in Sorsogon nina Heart Evangelista at Richard Yap. Matagal na kasing gustong makatrabaho ni Paolo si Heart dahil noon pa, magkasama sila sa ABS-CBN at ngayon naman sa GMA 7.

Maganda rin ang combination nina Heart, Richard at Paolo, ibang putahe at ibang team-up. Parang exciting ang magiging mga character nila lalo pa nga at parang iba-iba sila ng personalidad.

Kenkoy si Paolo, mukhang ser­yoso si Richard, at sosyal si Heart. Saka maganda ang location at naiiba, Sorsogon, iyon lang makita mo what the province can offer, malaking bagay na.

Maganda ito para sa Sorsogon dahil makakatulong ito para malaman ng lahat ang iba’t ibang magagandang products at lugar sa province kung saan kilalang-kilala ang Escudero family. Suwerte si Paolo.

Ogie at Regine, hindi nagpa-‘star’ sa pagpapabakuna

Nakakatuwa naman ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez na nag-post sa Instagram ng thank you sa Quezon City sa ginawang pagbakuna sa kanila. Itinuro pa ni Ogie kung paano mag-register para mai-line up ka sa bakuna. Nakakatuwa dahil mga sikat na celebrity pero tama ang prosesong dinaanan. At nakakatuwa dahil pinasalamatan nila ang QC at siyempre dahil din ito sa maayos na pamamalakad ni Mayor Joy Belmonte.

Kailangang sundan ng celebrities ang ginawa nina Ogie at Regine, nag-register, hinintay ang schedule nila at pumunta mismo sa lugar kung saan sila babakunahan. Dito mo makikita na walang celebrity, walang pa-star pagdating sa bakuna. Kahit nga ang pamilya ni Mayor Vico Sotto ay dumaan sa tamang proseso, lahat ng mga namamahala para sa kaligtasan natin ay ginagawa ang kanilang trabaho.

Sa parte natin, sumunod tayo sa tamang pa­raan, huwag nang pa-star. Tayo na ang pumunta sa lugar kung saan tayo babakunahan, ‘pag sinabing online magrehistro, gawin natin at maghintay.

Good example ang ipinakita nina Ogie at Regine. Good job. Thank you uli sa QC at kay Mayor Joy Belmonte.

PAOLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with