_ngayon
^

Parents ni Angel, nawala ang takot sa bakuna!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2021 - 12:00am

Natutuwa naman si Angel Locsin na ang kanyang mga magulang na pareho nang senior citizen ay nabakunahan na rin finally laban sa COVID-19 sa Taguig City kung saan sila ay mga residente.

Sinabi pa ni Angel na natutuwa siyang nakumbinsi ang mga iyon dahil dati nga ay mga “anti vaxxer” o laban sa bakuna.
Totoo namang maraming tumatanggi sa bakuna dahil lahat naman iyan ay binigyan lamang ng “emergency use autho­rity,” na ibig sabihin wala pang nakapagpapatunay kung ang mga iyon nga ay makakalaban sa CO­VID, kung hindi ka na makakapanghawa kung sakali man at ma- COVID ka, at ang masakit walang pananagutan sa iyo ang gumawa ng bakuna kung magkaroon iyon ng masamang epekto sa iyo.

Eh takot ang mga Pinoy kasi nga bago iyan ay may nangyari na sa Dengvaxia, at wala namang nanagot. Binigyan lang ng assistance ang mga namatayan ng P50K kung hindi na magdedemanda, kulang pa sa pampalibing.

Maliwanag din naman nilang sinasabi na kahit mabakunahan ka na, kung senior ka, lockdown ka pa rin sa bahay. Iyong iba naman, kailangan pa rin ang face mask, face shield, at iba pang health protocols, kaya nga dumarami iyang sinasabi nilang “anti vaxxer” dahil wala silang nakitang kaibahan.
Iyong tatay ni Angel, si Mang Angel Colmenares, kahit na sabihin mong may edad na iyan fit ang katawan dahil champion swimmer. Iyon nga lang hindi na yata makakita sa ngayon.

Ang suspetsa ng marami riyan, naapektuhan ang kanyang mata ng kanyang sports. Iyon kasing tubig sa swimming pool, malakas ang chlorine at kung lagi kang nagsu-swimming, na sa kaso noon ni Mang Angel ay
araw-araw, delikado nga.

Anyway, nabakunahan na nga sila, maghihintay na lang sila ng second dose at kung ano ang magiging epekto ng bakuna sa kanila. Ikinatuwa naman iyon ni Angel Locsin, na hindi naman natin maikakaila na prime mover sa paglaban sa COVID simula pa noong una.

Lately nagbigay pa nga sila ng ayuda sa limang LGU na pinili nilang tulu­ngan dahil sa nakita nilang pagsisikap ng mga iyon na labanan ang COVID. Hindi dahil sa publicity iyon, sabi nga ni Mayor Vico Sotto, nagpunta sila sa opisina niya sa Pasig, walang publicity, ni hindi sila nagkita, at basta iniwan na lamang nina Angel at Anne Curtis ang tsekeng isang milyong piso. Iyan ang nagtatrabaho.

Barbie, umayaw nang magpa-tweetums

Tumatanggi na rin si Barbie Forteza sa mga role na pa-tweetums, at sinasabi niyang “quota na ako roon.” Siguro nga nagsawa na rin si Barbie dahil matagal na rin namang puro ganoong role halos ang kanyang ginagawa samantalang napatunayan na naman niyang kaya niya ang mas mabigat na roles.
Kaya lang, baka naman ang gusto ng fans niya ay iyong medyo pa-tweetums. Isa pa, siya lamang ang mailalagay ng kanilang network sa ganoong roles.

Kung tatanggihan niya iyon, hahanap na naman ang network ng panibago at siya naman ay makikipag-agawan ng roles iba pang mga beteranong artista, pati na ang mga lumipat lamang sa network. May balita pa ngang malaking star na gustong kunin ng kanilang network, mas lalong hihigpit ang kanilang kumpetisyon sa projects, liban lang kung ayos lang sa kanyang malagay sa mas mahinang istasyon ngayon ng network nila.

Derrick tinalbugan si Marco?!

Ito naman ay obserbasyon lang namin. Naglabas ang isang garments factory ng photos ni Marco Gumabao na nag-eendorso rin ng underwear. Ilang araw lang, nagpalabas din ang isang garments factory ng pictures naman ni Derrick Monasterio at iba pang male starlets nila. Pero ang mukhang pinagkaguluhan ng mga tao ay iyong picture ni Derrick. Ang daming nag-repost, at mukhang natabunan si Marco Gumabao.
Kung iisipin, mas maraming pelikula at TV shows na nagawa si Marco kaysa kay Derrick, pero bakit nga ba si Derrick ang mas pinagkaguluhan?
Siguro nasanay na rin sila o baka nagsawa na sa pagpapa-sexy ni Marco, pati paglalabas ng puwet ay nagawa na niya sa pelikula, samantalang si Derrick ngayon lang nag-brief.

May nagsasabi namang hindi lang daw iyon, kundi talagang mas sexy ngayon si Derrick na batak talaga ang katawan kung ikukumpra kay Marco. May tsismis ding mas friendly daw kasi sa fans si Derrick.

ANGEL BARBIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with